• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM, paglago ng industriya ng bigas sa Pinas, titiyakin

TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang paglago ng industriya ng bigas sa Pilipinas.

 

 

Bukod dito, sisiguraduuhin din niya na protektado  ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

 

 

Nauna rito,  ipinresenta ng mga scientists  o siyentipiko mula sa  International Rice Research Institute (IRRI) kay Pangulong Marcos ang “identified genes” para sa mababa at  ultra-low glycaemic index (GI) sa bigas.

 

 

“We will spare no effort to ensure the growth of the rice industry here in our country even as we safeguard the welfare of farmers and consumers alike,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

“We will do everything to pursue and punish those who are involved in smuggling and hoarding. We will make them pay for their wrongful actions and remedy the situation,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Nakikipagtulungan na rin aniya ang pamahalaan sa  international institutions  gaya ng  IRRI at foreign governments hindi lamang para siguraduhin na  nakapirmi ang suplay ng bigas kundi para palakasin ang “development at sharing” ng mahalagang teknolohiya at estratehiya.

 

 

“We have likewise been working on our disaster preparedness and resilience so that the rice industry can respond and adapt to the effects of El Nin?o and other calamitous events,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“The new discovery on rice will be able to convert popular rice varieties into low and ultra-low GI for refined white rice, through conventional breeding methods, keeping high quality grain and without compromising yield,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na patuloy na tutukan ang galaw ng kooperativa, kabilang na ang kontribusyon nito sa  agricultural sector.

 

 

“I look forward to the continued partnership between the cooperative movement and even the heightened participation in executing these programs, including those that concern food, transportation, security, financial literacy, and social services,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Aniya, paggalaw  ng kooperatiba ay  “very closely related to agriculture because for the simple reason that we need to consolidate our farmers.”  (Daris Jose)

Other News
  • 3 bebot timbog sa tangkang pagpuslit ng P27K sigarilyo

    KALABOSO ang tatlong bebot kabilang ang isang cashier matapos umanong magsabwatan para magpuslit ng nasa P27,600 halaga ng sigarilyo sa isang tindahan sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Myka Veronica Louise Bautista, 26 ng Escanilla St., Brgy. Concepcion, Jacklyn Jose, […]

  • SHARON, ‘di na naman nakapagpigil at tinawag na ‘engot’ ang basher; ipinagmalaki na may ‘X-Factor’

    HINDI na naman napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na patulan ang tila panglalait ng isang basher na nag-comment sa kanyang picture post sa Instagram na kuha nasa taping ng Your Face Sounds Familiar.     Caption ni Mega, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie […]

  • Marathon trivia 2

    ITUTULOY ko ang sinimulan kong kuwento o marathon trivia sa bansa na aking nalaman, ilan ang binahagi pa rin ng aking ama.   Sa mga dekada 80 at 90, sikat na long distance runners o marathoners, hindi pa uso noon ang mga ultrarun o ultramarathon kaya bibihira ang mga matatawag na ultrarunner o ultramarathoner.   […]