• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CAMPAIGN PERIOD, NAGSIMULA NA

SIMULA na ang unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon Okt.19 na tatagal hanggang  Okt.28

 

 

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) , mayroong  1,414,487 aspirants ang inaasahang magsisimula nang mangampanya ngayong araw,Huwebes .

 

 

Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa Sangguniang Barangay; 92,774 sa Sangguniang Kabataan chairman at 493,069 naman para sa SK council.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinapayagan lamang ang bawat kandidato na gumastos ng P5 kada registradong botante .

 

 

Mahigpit na paalala ng komisyon sa mga kandidato na bawal ang pamamahagi ng mga bagay na may halaga tulad ng ballpen, T- shirts, ballers, candy at iba pa dahil maituturing itong vote buying .

 

 

Bukod dito, pinayuhan din ng Comelec ang mga supporters na huwag magsusuot ng mga T-shirt na may larawan ng kanilang kandidato upang makaiwas sa diskwalipikasyon.

 

 

Sa pagsisimula ng kampanya, nagpaalala rin ang Comelec na maari lamang maglagay o magkabit ng mga campaign paraphernalias sa mga designated areas kaya naman nagtakda rin ito na maglunsad ng isang  nationwide “Operation Baklas“ simula Oktubre 20-27.

 

 

Ayon sa Comelec, tatanggalin ang mga campaign materials na hindi sumunod sa mga  ipinatutupad na panuntunan ng komisyon . GENE ADSUARA

Other News
  • Radyo5, may new look at identity bilang 92.3 TRUE FM: TED, naniniwalang mag-i-evolve ang lahat pero mananatili ang radyo

    MAPAPAKINGGAN na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5.     Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng […]

  • Director James Wan Reveals Official Title & New Logo: ‘Aquaman And The Lost Kingdom’

    DIRECTOR James Wan revealed the official title for the upcoming Aquaman sequel is Aquaman and the Lost Kingdom.     DC’s aquatic hero used to be an easy mark for jokes in pop culture, but that all changed once Jason Momoa was cast as Arthur Curry for the DC Extended Universe.     His roles in Batman […]

  • Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman

    NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi.   Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. […]