Maraming sasaguting isyu sa ‘The Cheating Game’: Romcom movie nina JULIE ANNE at RAYVER, mapapanood na sa Netflix Worldwide
- Published on October 21, 2023
- by @peoplesbalita
PAANO na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga?
Sasagutin ang mga ito sa ‘The Cheating Game,’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26.
‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal,’ ang pelikula ay isang romantic drama na magpapakita ng mature, relatable, at realistic side sa pakikipag-date sa panahon ngayon.
Sa kwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.
Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kumpanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.
Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang ‘perfect guy’ at malayung-malayo sa kaniyang ex. Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.
Makakasama nina Julie at Rayver sa “The Cheating Game” sina Martin Del Rosario bilang Brian Villogo; Winwyn Marquez bilang Vanessa; Yayo Aguila bilang Faith Celestial; Candy Pangilinan bilang Tita Gelly; Phi Palmos bilang Joi Celestial; Thea Tolentino bilang Natalie; at Paolo Contis bilang Mister Y.
Mapapanood din sa pelikula sina Chef Jose Sarasola, Charm Aranton, Charlize Ruth Reyes, Rocelyn Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Ida Sabido, Evan Tan, Roi Oriondo, Bernadette Anne Morales, Felds Cabagting, at Iman Manoguid.
Unang pelikula sa ilalim ng GMA Public Affairs, ang ‘The Cheating Game’ ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol (“Cuddle Weather,” “Mata Tapang,” at “Quaranthings”). Batay ito sa orihinal na konsepto ni Peabody award-winning documentary writer at producer Shao Masula, at co-written ito ni Jessie Villabrille na head writer din ng ilan sa mga sikat na GMA primetime series.
(ROHN ROMULO)
-
Ads March 9, 2021
-
Proud ang ama na si DJ sa naging desisyon: Vivamax actress na si YEN, goodbye na sa paghuhubad
MAGSASAMA-SAMA ang mga mahuhusay na Kapuso singers sa musical play na ‘Liwanag Sa Dilim’ na tampok ang mga hit songs ni Rico Blanco. Kasama sa cast sina Rita Daniela, Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, at Brianna Bunagan. “It kind of feels like coming home kasi since I did theater first before I did TV acting so […]
-
Fajardo, iba pang maaangas kikilalanin ng PBA Press Corps
PAMUMUNUAN ng tatlong manlalaro at coach ng San Miguel Beer ang mga mga gagawaran ng parangal sa sabay na idaraos na Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) 2019 and 2020 via virtual Special Awards Night 2021 sa sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City sa Marso 7. Ipinahayag Miyerkoles sa People’s BALITA ni […]