Mapapanood na rin sa YouTube ang ‘My Plantito’: TikTok series nina KYCH at MICHAEL, mahigit 29.5 million views na
- Published on October 21, 2023
- by @peoplesbalita
HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Pilipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles.
Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito na si Miko, mabilis na sumikat ang digital na serye sa mga tagapanood sa buong bansa, na ang 21 episode nito ay mayroon nang 29.5 milyong view sa kasalukuyan.
Noong una itong ipinalabas, naging paborito kaagad ang serye ng mga fan, dahil itinatanghal nito ang perpektong balanse ng kilig, kwela, at nakatutunaw ng pusong mga sandali hindi lamang sa pagitan nina Charlie at Miko, pati na rin kina Charlie at ang mapagmahal nitong ama na si Janong (Chef Ghaello Salva), at ang tapat nitong best friend na si Bianca (Devi Descartin).
Dahil dito, masayang inaanunsyo ng Puregold na mapapanood na ang serye sa YouTube na may English subtitles, para mas maabot pa ito ng mga fan sa iba-ibang sulok ng mundo.
“Alam namin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa ‘My Plantito’ at naririnig namin ang hiling ng mga fan na mas marami pa sana itong maabot,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Manager for Marketing ng Puregold Channel.
“Ngayong may English subtitles na ang YouTube episodes ng My Plantito, patunay lamang na nakikinig ang Puregold Channel at tumutupad ng pangako. Ngayon, ang mga tagasubaybay mula sa ibang mga bansa ay may oportunidad na matunghayan ang magandang kuwento ng serye.”
Dagdag sa tagumpay ng kompanya sa industriya ng retail, nangunguna rin ang Puregold sa retailtainment, at kabilang sa mga serye na naipalabas nito ang GVBoys, Ang Babae sa Likod ng Face Mask, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, at 52 Weeks.
Mapapanood ang My Plantito na may English subtitles sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold, https://www.youtube.com/@PuregoldChannel.
Ang YouTube cut ng serye ay mapapanood sa loob ng pitong linggo, at ipinalabas na ang unang episode noong Oktubre 7.
(ROHN ROMULO)
-
Christopher Nolan’s ‘Tenet’, Finally Hitting to HBO Max This May
HBO Max announced that Christopher Nolan’s espionage epic film Tenet will hit the Warner Media streamer May 1. Tenet was originally scheduled for a July 2020 release, but as the COVID-19 pandemic forced theaters to shut down all around the world, Warner Bros. pushed the film back several times. Some thought Tenet could be the […]
-
Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit
POSIBLE umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert. “’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho […]
-
5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL
ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]