• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para raw sinadya para mapag-usapan: DAVID at JAK, parehong nag-Zoro costume kaya iba-iba ang naging reaksyon

PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ng mga netizens sina David Licauco at Jak Roberto matapos nilang rumampa na parehong nag-cosplay bilang Roronoa Zoro ng ‘One Piece’ sa ginanap na GMA Sparkle Spell 2023 noong October 22.

 

Nagtalo-talo nga sila kung kanino mas bagay at bakit kailangan pareho ang kanilang costume.

 

Ilang nga sa naging komento…

 

“Jak and David parehong nag Zoro costume….para mapag usapan na naman.”

 

“Walang coordination yata ng costumes. Parang di alam nung tagagawa ng caption kung sino yung roles ng iba tapos yan may nadoble pa.”

 

“Parang sinadya naman ng mga boylets ni barbie na mag-roronoa para pag-usapan sila. Pero bet ang costume ni Sanya. Grabe naman effort ni (Derrick) Monasterio, may pa horse talaga?

 

“David Licauco and Jak Roberto’s costumes looks like a class project nung my high school days 🙂 🙂 🙂 Economy is not great but dudes… how about spending a little.”

 

“Mas bagay kay David since mas malapit features niya sa actor na nagpi-play ng character ni Zoro.”

 

“He looks malamya at payatot mas bagay kay Jak.”

 

“Sa video nong pagrampa mas bagay kay Jak Roberto dalang-dala niya si Zoro at medyo hawig din sila ni Mackenyu.”
“Dahil sa high cheekbone… yun isa naman TH.”

 

“Jak roberto looks like Ji Chiang Wook.”

 

“Bagay kay David ung costume nya. Tumugma sa built ng katawan nya.”

 

“Parang nagkasakit na Zoro yung David, at expectation vs reality yung Jak.”

 

Nakatanggap din ng panlalait si Barbie Forteza na isa sa ‘Stars of the Night’ ng naturang event ng GMA Network, sa kanyang character bilang Daenerys Targaryen ng “Game of Thrones.”

 

Ayon sa obserbasyon ng netizens:

“Yung costume naman ni Barbie na Daenerys fail! Halatang ‘di pinaghandaan panget ng tela.”

 

“Yung tela ng custume ni Barbie parang kukurtinahin from divi. Hehe.”

 

“Nagmukha siyang maliit lalo sa totoo lang.”

 

“Nag-Google ako kung meron bang costume si daenery na blue meron naman pero hindi ganitong tela at hindi ganitong style. Di ko alam kung fan talaga siya ng GOT dahil kung ako sa kanya madi-disappoint ako ganyan ipapasuot sa akin.Tinignan ko ulit costume ni angel locsin na daenery at iyon talaga ang kuhang kuha and even expression ng mukha ginaya ni angel.”

 

“True! Sorry yung outfit ni Barbie parang pinatahi lang sa tabi tabi. Wala rin akong natatandaan na ganyang damit ni Daenerys and yung wig di man lang inayos ang paglagay.”

 

Oh well, kanya kanya lang naman ‘yun taste. Ang importante nag-enjoy sila sa pag-attend ng ‘Sparkle Spell 2023’.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero

    TINITINGNAN ngayon ng Phi­lippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya.     Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na  ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso […]

  • Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas

    UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police.   Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours.   512 naman ang mga hindi sumunod […]

  • PBBM, tinukoy ang magiging papel ng mga ex-Moro combatants para mapagtagumpayan ang kapayapaan, seguridad sa Bangsamoro

    TINUKOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging papel ng unang batch ng Moro combatants sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang graduation Ceremony of the Bangsamoro Police Basic Recruit Course (BPBRC) Batch 2023-01 Classes Alpha – Bravo “Bakas-Upit” sa Parang, […]