Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.
Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng Hezbollah militants at tropa ng Israel.
Nauna nang ipinag-utos ng Philippine Embassy sa Beirut ang evacuation sa may 67 Pinoy na nasa southern Lebanon dahil sa mga aktibidad ng Hezbollah kung saan nagpapaulan sila ng rockets sa direksyon ng Israel habang patuloy rin naman ang pagganti nito.
Patuloy naman naghihintay sa Gaza ang mga Pinoy na makatawid sa corridor patungong Egypt at mula dito ay ligtas silang babalik sa Pilipinas.
Sinabi rin ni De Vega na sa 135 Filipino na naitala sa Gaza na pinapatakbo ng Hamas, tanging 78 lang ang nagpaplano na bumalik dito sa Pilipinas.
Samantala, dumating na rin sa bansa ang 18 OFWs mula sa Israel. (Daris Jose)
-
DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw ‘posible’ bago 2023 sa voluntary masking
MAAARING tumaas patungo sa 18,000 ang arawang COVID-19 cases bago matapos ang 2022 kasunod ng pagluluwag lalo ng face mask requirements, babala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes. Ito ang sinabi ni Vergeire ilang araw matapos ianunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng […]
-
Bagyo sa Silangang bansa, unti-unti nang pumapasok sa PH territory – Pagasa
UNTI-UNTI nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Rolly na may international name na “Goni.” Ayon sa Pagasa, nasa loob na ng ating karagatan ang outer portion ng bagyo. Pero maaaring mamayang hapon (Oct 29) pa ito ganap na makapasok nang buo sa PAR, dahil sa lawak ng sirkulasyon. […]
-
2 Grab driver timbog sa P272K shabu sa Valenzuela
Kulong ang dalawang Grab driver na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni […]