Bagyo sa Silangang bansa, unti-unti nang pumapasok sa PH territory – Pagasa
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
UNTI-UNTI nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Rolly na may international name na “Goni.”
Ayon sa Pagasa, nasa loob na ng ating karagatan ang outer portion ng bagyo.
Pero maaaring mamayang hapon (Oct 29) pa ito ganap na makapasok nang buo sa PAR, dahil sa lawak ng sirkulasyon.
Huling namataan ang TS Rolly sa layong mahigit 1,000 km sa silangan ng Central Luzon.
May lakas itong 65 kph at may pagbugsong 80 kph. Kumikilos naman ito nang mabagal sa direksyong pahilagang kanluran.
Palaisipan pa rin kung saan ang direktang tatamaan ng unang landfall nito, dahil magkakaiba ang pagtaya ng local at international weather agencies.
Sa data ng Pagasa, sinasabing direkta itong tatama sa Catanduanes, bago tatagos sa Camarines provinces at lalabas sa Batangas area.
Para naman sa Japan Meteorological Agency (JMA), dadaplis lamang ito sa Bicol at maaaring ang unang landfall raw ay sa Polilio Island sa lalawigan ng Quezon.
Habang sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng USA, hindi raw ito tatama sa Bicol region at sa halip ay Polilio Island at Aurora ang posibleng sapulin ng bagyo.
-
Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan
AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya. Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon. Dati […]
-
PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets
HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections. Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.” Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala […]
-
Para mapagaan ang entry of investments sa Pinas: PBBM, gusto agad na tugunan ng DTI ang ‘pain points’
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa pagpasok ng investments sa Pilipinas. Ito na kasi ang tamang panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito. “Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach […]