Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)
Nauna rito, nagpatawag si Pangulong Marcos ng command conference para talakayin ang pinakabagong ginawang paglabag ng China sa resource-rich region.
“He instructed the Philippine Coast Guard to conduct an investigation, as mandated by international maritime laws, into the events that transpired during the RORE mission to Ayungin Shoal by vessels of the China Coast Guard,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
“The incident, brought about by dangerous, illegal, and reckless maneuvers by vessels of the China Coast Guard, caused damage to a Philippine vessel within our exclusive economic zone and is being taken seriously at the highest level of government,” dagdag na wika ng PCO.
Samantala, napaulat na sinabi ng NTF-WPS na nangyari ang insidente dakong alas-6:04 nang umaga nang magsagawa ng “dangerous blocking maneuvers” ang CCG vessel 5203 (CCGV 5203) na nagresulta sa pagkakabangga sa indigenous resupply boat Unaiza May 2 (UM2), halos 13.5 nautical miles sa silangan hilagang silangan ng BRP Sierra Madre.
Ang UM2 ay nagsasagawa ng regular and routine rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sapul noong 1999.
“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the crew of UM2,” ayon sa task force.
Binangga naman ng Chinese maritime militia vessel 00003 (CMMV 00003) ang port side ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel MRRV 4409 habang nasa 6.4NM Hilagang Silangan ng Ayungin Shoal.
Sa kabila ng pagbangga, nakapagpatuloy pa rin sa RORE mission ang UM2 at ang barko ng PCG, habang ang Unaiza May 1 (UM1) naman ay matagumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre.
“The National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) condemns in the strongest degree the latest dangerous, irresponsible, and illegal actions of the CCG and the Chinese Maritime Militia done this morning, in violation of Philippine sovereignty, sovereign rights and jurisdiction and in utter blatant disregard of the United Nations Charter, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) and relevant international maritime conventions, and the 2016 Arbitral Award,” ayon sa kalatas.
Nanindigan naman ang CCG na legal ang pagharang nila sa mga bangko ng Pilipinas dahil nagdadala umano tayo ng “illegal construction materials” sa BRP Sierra Madre.
Samantala, mariing ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang China dahil sa “latest disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal,” at ang paglalagay sa panganib sa mga sakay ng barko.
Naglabas din ng pahayag ang Canadian Embassy sa Pilipinas at kinokondena ang insidente ng banggaan dahil sa “unlawful and dangerous conduct” ng CCG. (Daris Jose)
-
Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results. “We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to […]
-
Dante Alinsunurin: Bagong Head Coah ng Choco Mucho
Si Dante Alinsunurin ay pinangalanan bilang bagong head coach ng Choco Mucho para sa 2023 Premier Volleyball League Season. “Ang organisasyon ng Choco Mucho Flying Titans ay nalulugod na ipahayag ang pagkakatalaga kay Dante Alinsunurin Jr. bilang bagong Head Coach ng koponan,” basahin ang pahayag ng koponan. “Sa karanasan, pangako at programa ni […]
-
BAGONG BASECO ESPLANADE BUBUKSAN
BUBUKSAN sa Maynila ang bagong “Baseco Esplanade” matapos ang tuloy-tuloy na total make over sa “Basura Beach” sa Maynila. Sinabi ni Manila Mayor Frqncisco “Isko Moreno” Domagoso ,ang dating bay na puno ng Basura sa Baseco ay malinis na ngayon at hindi na “eyesore”, gayundin ang coastal area nito. “Tulong-tulong po ang Department […]