• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair

TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

 

 

Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung kinakailangan, upang mapigilan ang hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Iginiit ni Enverga na hindi magpapatinag ang Kamara sa mga kritisismo matapos nitong ilipat ang confidential and intelligence funds (CIF) ng ilang ahensya para mapalakas ang paninindigan nito sa West Philippine Sea.

 

 

Sa unang bahagi ng taon, ikinasa ng komite ni Enverga ang apat na buwang pagsisiyasat sa biglang pagtaas ng presyo ng sibuyas ng umabot ng hanggang hanggang P800 kada kilo.

 

 

Nagresulta naman ito sa pagbaba ng presyo na naging P160 kada kilo. (Daris Jose)

Other News
  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House

    INAPRUBAHAN  ng House committee on suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpaliban ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang gawin ngayong Disyembre 5, 2022.     Sa pagdinig ng komite, isinuwestiyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na magkaroon muna ng consensus kung ipagpapaliban o hindi ang nalalapit na halalan bago […]

  • COMELEC pinayagan na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV drivers

    NAGBIGAY na ng pahintulot ang Commission on Elections (Comelec) sa inihain na petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling ipagpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga drivers ng pampublikong transportasyon.     Inihain ang petisyon ng LTFRB dahil sa election ban na pinaiiral ng Comelec sa paggamit ng pondo ng […]

  • PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

    PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.   Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.   Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon […]