PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.
Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.
“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang — walang — walang ganang — wala nang ganang kumain,” ayon sa Pangulo.
“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka. Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing Stage 1 ka sa cancer. So hindi na rin,” aniya pa rin.
Bukod aniya sa kanya ay may miyembro rin siya ng gabinete ang may sakit.
“Si Bebot ‘yung paa ewan ko kung puputulin ‘yan o hindi. Puro na may sakit so what do we get if we…? T*** i***** ‘yan. Wala na.
Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, “Ginawa ko man lahat. Ito man si Dominguez ang walang pera.” Totoo. Eh saan ‘yang pera? Eh naubos na niya, inutang na niya lahat eh, wala nang magpautang. Si Lorenzana, ah wala ‘yan. Kung bala pati armas may maibigay ‘yan pero medisina kailangan pera, cold cash talaga ‘yan,” lahad nito.
Kamakailan lamang ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mabuti ang kalagayan ng Pangulo ngayon kahit marami sa miyembro ng kanyang gabinete ang naging positibo sa Covid- 19.
Itinanggi rin ni Sec. Roque ang kumalat kamakailan lang na mga balitang lumipad ang Pangulo patungong Singapore para sa isang emergency treatment.
Kaugnay nito ay may ilang petisyon na ang naihain sa Korte Suprema para maisapubliko ang medical records ng Pangulo para malaman kung nasa tamang kondisyon ba siya para pamunuan ang bansa, pero hindi ito kinakatigan ng mataas na hukuman dahil umano sa kawalan ng matibay na basehan. (Daris Jose)
-
PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference
OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’ Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa […]
-
Malakanyang, ayaw makisawsaw sa panibagong girian sa liderato ng Kamara
DEDMA lang ang Malakanyang sa umanoy pag-init na naman nang tunggalian sa pagitan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin. Wala ring nakikitang […]
-
THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION
THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]