• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE

TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20.

 

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay   Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, Pilar St., Brgy 199, Tondo na namatay dakong alas-4:00 ng madaling araw noong August 21 habang ginagamot sa Tondo Medical Center.

 

 

Sa ulat ni Police Staff Sergeant  Boy Niño Baladjay,  dakong alas-5:10  ng umaga noong October 20, 2023 nang naganap ang insidente kung saan nag-inuman ang biktima at ilang kaibigan nito sa loob ng  Baluarte Bar and Restaurant sa 631 Northbay Blvd., Tondo, Manila at papauwi na sana sila nang ilang grupo ng kalalakihan ay walang sabi-sabing pinukpok ang biktima gamit ang isang hollow blocks na nagresulta sa sugat sa ulo.

 

 

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot.

 

 

Ang insidente ay hindi kaagad na inimbestigahan ng pulisya makaraang humiling ang pamilya at mga saksi nito na ipagluksa muna ang labi ng kanilang anak at nitong Martes, dakong alas-1:30 kahapon ng tanghali ay personal na nagtungo ang pamilya nito sa pulisya para imbestigahan ang nasabing insidente. GENE ADSUARA

Other News
  • Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

    Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.     Sinabi ni Go na kapag […]

  • FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!

    Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, […]

  • Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect

    PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect.   Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya […]