Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakailangan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapalakas ang vaccine rollout.
Sinabi ni Go na kapag nabakunahan na ang lahat ng vulnerable sa COVID-19, partikular ang frontliners, senior citizens at may mga comorbidities, uusad na ang gobyerno sa pagbabakuna naman sa iba pang essential sectors at indigents sa vaccine rollout.
Ayon sa senador, ang pagbabakuna sa priority sectors ay makatutulong para mapalakas ang tiwala ng publiko at maialis ang takot o pangamba ng general population sa kaligtasan at efficacy ng vaccines.
“Sa mga Local Chief Executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpabakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” iginiit ni Go.
Bukod sa LCEs, iginiit din ni Go sa frontline workers na magpabakuna laban sa COVID-19 para masigurong protektado na sila laban sa virus.
Muli ring tiniyak ng mambabatas na prayoridad niya ang Bayanihan 3 o kung ano ang makatutulong sa ating mga kababayan na ayuda.
-
Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino, Bukás Na!
BUKAS na ang Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino tuwing Miyerkoles ng bawat linggo mula 22 Pebrero hanggang 26 Abril 2023, 9:00 nu hanggang3:00 nh sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino, MalacañangComplex, Lungsod Maynila. Tampok ang mga aklat na inilalathala ng KWF na naglalayong maabot ang mga Pilipino sa layunin […]
-
Chris Pratt Brings Garfield to Life in the New Trailer for ‘The Garfield Movie’
HOLD onto your lasagnas and brace for some feline fun because The Garfield Movie trailer is out, and it’s purr-fectly entertaining! Garfield’s Leap from Lazy to Lively Goodbye, quiet life; hello, adventure! Our beloved Garfield, the lasagna-loving, Monday-hating cat, is about to trade his cozy couch for a wild journey. Voiced by the versatile Chris Pratt, […]
-
Sec. Roque, naka-isolate sa bahay
ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay. Nilinaw ni Sec. Roque na nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol. ” Nagka-positive po ang aking security detail. Wala naman po akong sintomas but i’m […]