• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec

TINATAYANG  100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon.

 

 

Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso mula sa premature at illegal campaigning at reklamo ng vote buying.

 

 

Ang pagpapalabas ng naturang resolusyon ay maaga nilang solusyon sakaling hindi agad nila matapos ang pagresolba sa napakaraming disqualification cases na nakahain sa kanila bago ang eleksyon sa Oktubre 30.

 

 

Nangako naman si Comelec Chairman George Garcia na tatapusin nila ang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso may isa o dalawang linggo makaraan ang halalan.

 

 

Inaasahan na agad na mapoproklama ang mga magwawaging kandidato na walang nakabinbing disqualification cases sa gabi ng Oktubre 30.

 

 

Agad ding makakaupo sa posisyon ang isang mananalong kandidato sa oras na makapanumpa. Base ito sa desisyon ng Supreme Court na dapat nagtapos na ang termino ng mga kasalukuyang opisyal sa barangay noong 2022, kaya dapat agad na silang mapalitan o muling manungkulan ng bagong mandato kung magwawagi muli.

 

 

Bago rin maupo ay kailangan na nakapagpasa na ang kandidato ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) may 30 araw makaraan ang halalan.

 

 

Samantala, bumisita sa Comelec Main Office sa Intramuros si Vice President Sara Duterte para tingnan ang itinayong Command and Operations Center para sa BSKE.

 

 

Ayon kay Garcia, hiniling ni Duterte, tumatayo ring kalihim ng Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro na mag­mamando sa eleksyon. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, matabang sa ideya na magtambal sina PDu30 at VP Leni Robredo sa vaccine infomercial

    MATABANG ang Malakanyang sa ideya na magtambal sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice-President Leni Robredo para sa isang vaccine infomercial.   Nanawagan kasi si Senator Joel Villanueva sa pagtatambal nina Pangulong Duterte at VP Leni para sa isang infomercial na manghihikayat sa publiko upang magpabakuna kontra COVID-19.   Ayon kay Villanueva, tila magiging mabisa […]

  • Novak Djokovic nasungkit ang Semis spot ng Australian Open

    Pasok na sa semifinal rounds ng Australian Open si Novak Djokovic.   Ito ay matapos talunin si fifth seed Andrey Rublev sa score na 6-1 6-2 6-4.   Ito na ang pang-44 beses ng Serbian tennis star na nakaabot sa semifinals ng Grand Slam tournaments.   Labis ang kaniyang kasiyahan at hindi ito makapaniwala na […]

  • PAGHALILI SA SANTO PAPA, PREMATURE

    PREMATURE pa ang mga lumalabas na espekulasyon ukol sa pagpili ng magiging bagong Santo Papa ng Romano Katoliko, ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).     Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Commission executive secretary, makaraan ang usap-usapan ng posibleng pagbibitiw ni Pope Francis dahil […]