2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS
- Published on October 27, 2023
- by @peoplesbalita
HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).
Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality para sa Local Council for the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children.
Nagkamit din ang lungsod ng pagkilala sa aktibong pakikilahok nito sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP), para sa mga hakbang sa pagsasabatas na makatutulong sa pagbuo ng isang mabisang lokal na administrasyon at pag-unlad, at para sa pagpasa sa Fisheries Compliance Audit (FishCA).
“These awards are a humbling validation that Navotenos and our fellow public servants in the government appreciate the work we do. These only serve to inspire us to further enhance our governance practices and provide better services to uplift the lives of our people,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Ang mga parangal ay tinanggap ni Tiangco kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez, City Administrator Dr. Christia Padolina, Sangguniang Panlungsod Secretary Marlon Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport at City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano.
Ang Urban Governance Exemplar Awards ay isang inisyatiba ng DILG-NCR para pormal na kilalanin ang mga kontribusyon at nagawa ng mga local government units (LGUs) sa Metro Manila.
Ang mga nanalo ay pinipili ng DILG sa pamamagitan ng regional assessment at validation ng iba’t ibang programa at proyekto ng LGUs. (Richard Mesa)
-
Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo. Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang […]
-
Sa first Tiktok Series sa Pilipinas na ’52 Weeks’: Tiktok Superstar na si QUEENAY, bidang-bida na at makatatambal si JIN
BIDANG-BIDA ang isa Tiktok Superstar na si Queenay Mercado, na una naming napanood sa ‘Sing Galing’, na kung saan makatatambal niya ang ‘It’s Showtime’ Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal, sa kauna-unahang Pinoy Tiktok series na “52 Weeks.” Matapos nga ang matagumpay na launching ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at […]
-
Sa ikalawang taon ng ‘Puregold CinePanalo’: Pitong full-length films na mapipili, tatanggap ng 3M grant
LALO pang tinotodo ng supermarket chain na Puregold adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog ng pinakamalalaking grant para sa produksyon ng mga full-length na pelikula sa Pilipinas. Para sa paparating na 2025 Puregold CinePanalo, tumataginting na P3,000,000 ang film production grant na ibibigay sa pitong kapita-pitagang […]