• June 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ikalawang taon ng ‘Puregold CinePanalo’: Pitong full-length films na mapipili, tatanggap ng 3M grant

LALO pang tinotodo ng supermarket chain na Puregold adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog ng pinakamalalaking grant para sa produksyon ng mga full-length na pelikula sa Pilipinas.

 

 

 

 

Para sa paparating na 2025 Puregold CinePanalo, tumataginting na P3,000,000 ang film production grant na ibibigay sa pitong kapita-pitagang propesyonal at baguhang direktor, habang 25 na estudyanteng filmmaker naman ang tatanggap ng P150,000 short film production grant.

 

 

 

 

Bukas na ang aplikasyon para sa mga nangangarap na sumali sa nalalapit na festival line-up. Ang huling araw ng pagsusumite para sa mga full-length direktor ay Hulyo 15, 2024.

 

 

 

 

Para naman sa mga student director sa short film category, Agosto 15, 2024 ang huling araw ng pagpapasa.

 

 

 

 

“After a highly successful and celebrated inaugural run in March, Puregold is proud to have started its mark in the Philippine film industry,” sabi ni Vincent Co, Presidente ng Puregold.

 

 

 

 

“We aim to continue this for the benefit of Filipino students and filmmakers. This year, we challenge more aspiring filmmakers to push boundaries, tackle new matters and experimental approaches while raising Filipino heritage and values.”

 

 

 

 

May dalawang kategorya ang Puregold CinePanalo: short film para sa mga mag-aaral at full-length film para sa mga baguhan at propesyonal na direktor. Hindi katulad ng naunang takbo, itinatakda ng Puregold CinePanalo na kailangang kompletong screenplay na ang isumite, upang matukoy ng Selection Committee ang pinakamahusay at kahanay ng tema ng festival. Maaaring sagutan ang aplikasyon sa link na ito:: https://forms.gle/wNUUQ62okYcyW5r37.

 

 

 

 

Ang lahat ng kuwento ay dapat na nagbibigay-inspirasyon at nakasentro sa temang “Mga Kwentong Panalo ng Buhay.”

 

 

 

 

Ikinuwento ni Puregold senior marketing manager at direktor ng festival na si Ivy Hayagan-Piedad ang kahalagahan ng temang ito. “We seek fresh perspectives in storytelling. Puregold CinePanalo aims to be a platform for local artists to take risks and be bold in their craft. Our goal is to bring more outstanding Filipino films to the national—and even global—stage,” sabi niya.

 

 

 

 

May maximum runtime na 20 minuto ang mga student short, habang 90 minuto naman ang minimum na haba ng mga full-length na pelikula.

 

 

 

 

Itatanghal ang lahat ng mga nanalong pelikula sa isang film festival sa Marso 14-25, 2025, sa Gateway Cinemas. Kwalipikadong manalo ang lahat ng pelikula sa Puregold CinePanalo Awards Night, na tatanghalin naman sa Marso 19, 2025.

 

 

 

 

Sa unang taon ng Puregold CinePanalo, itinampok ang mga pelikula nina Kurt Soberano, Sigrid Bernardo, Joel Ferrer, at iba pa. Lumikha naman ng mga student short ang mga batang filmmaker mula sa UP Diliman, Polytechnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, at iba pang mga paaralan sa buong bansa.

 

 

 

 

Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa Puregold CinePanalo, maaaring magpadala ng email sa thesecretariat@cinepanalo.com.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Biden, iaanunsiyo panibagong sanctions vs Russian lawmakers sa emergency summit ng NATO alliance

    DUMATING  na sa Brussels si US President Joe Biden para sa isasagawang emergency meeting kasama ang mga leader ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaugnay sa nagpapatuloy na Russian war sa Ukraine.     Panibagong sanctions laban sa daan-daang miyembro ng State Duma, ang lower house ng Russian Parliament kaugnay ang inaasahang iaanunsiyo ni Biden. […]

  • MAJA, nagtayo ng sariling management company at forever grateful sa Star Magic/ABS-CBN; ‘Niña Niño’, malapit ng mapanood sa TV5

    NAGTAYO na ng sariling management company si Maja Salvador na kung saan excited na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.     Post niya sa kanyang Instagram account, “Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I […]

  • Susunod na lang ang ina at mga kaibigan: MICHELLE, mag-isang pupunta sa El Salvador para sa ‘2023 Miss Universe’

    ILANG araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant.       Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang Miss Universe crown para sa bansa.       Ilan sa mga Sparkle artists na nagpadala ng “good […]