• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang. 
Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng
Pilipinas noong panahon na iyon.
Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit sa  state dining room (“ngayon ay kuwarto kung saan ginagawa ang Cabinet meetings”) ay aksidente niyang nabuksan ang pintuan.
“Gabing-gabi na. Umuwi ako. Sinasara ko lang ‘yung pintuan mula du’n sa kwarto ko. Pagbukas ko ba naman ng pintuan, nakita ko biglang gumalaw ‘yung mga upuan,” ayon sa Pangulo.
“‘Di nagsisisigaw ako dito at tumakbo ako… Sinabi ko sa security, ‘May multo, may multo!'” dagdag na kuwento ng Pangulo.
Sa pagkakataong iyon, sumali ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at nagsabi na  “I still find that hard to believe.”
“Ay nako. It’s true,” giit ng Pangulo.
Sinabi naman sa kanya ng security staff na si “Father Brown” lamang iyon.
May pagkakataon pa aniya na ang mga security personnel ay natulog sa banig na inilatag ng mga ito sa hall habang sumasailalim sa renovation ang hall.
Nagkuwento ang mga ito tungkol kay Father Brown, sinasabing “multo” na ginising sila mula sa kanilang pagkakatulog.
Winika pa ng Pangulo na tinitingan nila ang kasaysayan ng Palasyo at totoo nga, mayroong Father Brown na nagtrabaho noong panahon ng mga Amerikano.
“At mukhang hindi na umalis,” ayon sa Pangulo.
Samantala, ibinahagi rin ng Pangulo ang kuwento ng pintuan na sinasabing kusang bumubukas-sara, ang mga chandeliers na gumagalaw kahit walang ihip ng hangin na paparating.
Naramdaman din aniya niya ang mga nakatitindig-balahibo na may naglalakad at umaakyat sa tinatawag na “formal stairs” ng Palasyo lalo na sa gabi.
Pakiramdam aniya ay may nanonood sa kanyang likuran.
“Paatras tuloy ako paakyat dahil nakakatakot. Dahil alam niyo naman kung minsan pag naglalakad ka nararamdaman mo ‘pag may nakatingin sayo o may sumusunod sayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
Other News
  • Libreng civil wedding, handog ng Navotas

    TATLUMPU’T anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas.   Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas (kahapon), ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner.   “Karamihan sa inyo ay […]

  • NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.

    NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.   Pero agad siyang binutata ni imcumbent president Abraham Tolentino na isa dalawang tatakbo ng una niyang buong termino sa apat na taon.   “Monico […]

  • PhilSys data, ligtas sa ilalim ng authentication program

    IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang  inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.     Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.     Ang […]