• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng civil wedding, handog ng Navotas

TATLUMPU’T anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas.

 

Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas (kahapon), ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner.

 

“Karamihan sa inyo ay nagsasama na nang higit limang taon. Anuman ang sikreto n’yo para mapanatili ang inyong relasyon, ingatan n’yo. Nawa mas mapagtitibay at mas mapasasaya ng seremonyas na ito ang inyong samahan,” saad ni Mayor Toby Tiangco.

 

Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod na makatutulong para magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.

 

“Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang matatag na mga pamilya ang bumubuo sa maayos na mga komunidad. Kaya naman binibigyang prayoridad ng ating pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat pamilyang Navoteño,” aniya.

 

Maliban Kasalang Bayan, may iba pang mga aktibidad na isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Kabilang dito ang pamimigay ng cookies sa mga kawani ng city hall; paghaharana sa mga opisina; speed dating at libreng dinner date para sa mga kwalipikadong kalahok; at Kalye Pag-ibig food bazaar. (Richard Mesa)

Other News
  • ATP: Ruben Gonzales nanalo ng third title ng season, nasungkit ang Yokohama doubles title

    Naging mabunga ang unang pagsasama nina Ruben Gonzales at Victor Cornea.   Nadaig ng third seeded pair ang hometown crowd at sina Masamichi Imamura at Tomoya Fujiwara para mapanalunan ang men’s doubles championship ng ATP Yokohama Keio Challenger.   Nanaig ang Filipino at Romanian tandem sa straight sets laban sa kanilang mga kabataang Japanese rivals, […]

  • Duterte: Pagkain, tubig ang pinaka-kailangan ngayon ng Cagayan

    Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Cagayan Valley na sinalanta ng bagyong “Ulysses.”   Nang mag-aerial inspection si Duterte sa Tuguegarao City, na sinundan ng meeting kasama ang kanyang  Cabinet officials.   “Ang problem talaga sa sunog o baha is water, clean water; potable […]

  • Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas

    NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente […]