• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators

Magpapatuloy ang Kamara  sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator.
Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas.
Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on agriculture and food ang ulat na pagbaba sa presyo ng sibuyas
“We commend the efforts of the Department of Agriculture (DA) in stabilizing the retail prices of essential commodities, and we welcome as good news its report that the retail price of onions has decreased by P10 per kilo, with the cost of the red bulbs going down to P130 per kilo from the previous P140 per kilo,” sabi ni Suarez.
“Buoyed by this development, and upon the instruction of Speaker Martin Romualdez, the House Committee on Agriculture and Food will intensify its investigation on hoarders and price manipulators not only of onions but of other staple food items like rice,” anang mambabatas.
Tinuran ni Suarez na malinaw ang atas ni Speaker Romualdez na susuportahan ng Kamara ang panawagan ni Pangulong Marcos na all-out war laban sa mga sangkot sa smuggling, hoarding at pagmamanipula ng presyo.
Ayon sa mambabatas, patunay na epektibo ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng ehekutibo at Kamara  laban sa mga mapagsamantala, ang pagbaba sa presyo ng sibuyas at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa artipisyal na kawalan ng suplay ng sibuyas.
Kinilala rin ng mambabatas ang masinop na pagbabantay ng DA na nagresulta sa mas abot kayang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang bilihin.
Positibo rin ang pagtanggap ng mambabatas sa anunsiyo ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mayroong sapat na suplay ng gulay, kabilang ang patatas hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Pinuri rin ni Suarez ang inaasahang paghupa ng presyo ng patatas at ang malaking bawas sa presyo ng lokal na sili na mula P800 kada kilo noong Setyembre ay bumagsak na lang sa P350 kada kilo.
Sinabi pa ng konresista na dapat ipagpatuloy ng ehekutibo ang pagsasampa ng kaso at pagpapanagot sa mga sangkot sa kartel at siguruhin na makukulong ang mga ito. (Ara Romero)
Other News
  • BI, NAGBABALA LABAN SA MGA FIXERS

    NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.     Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang  serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos […]

  • Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight

    Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.     Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na […]

  • P150 umento sa sahod sa private sector, iginiit

    DAHIL sa sobrang mahal ng mga bilihin, isinulong sa Kamara ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sector employees.     Sa House Bill (HB) No. 7871 ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House […]