• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno ng Israel, pinayagan na ang mga pinoy na tumawid sa Egypt; gobyerno ng Pinas, nangako na iuuwi ng ligtas ang mga Filipino

TINIYAK ng  Israeli government  sa Pilipinas na pinapayagan na nito ang mga Filipino na makatawid at makadaan sa Rafah Crossing patungong Egypt. 
Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na handa ang Pilipinas na ialis ang mga filipino mula sa  war zone.
Sinabi ni Pangulong Marcos na nagawang makipag-ugnayan ni Ambassador to the Philippines Ilan Fluss  sa Foreign Minister of Israel at Philippine Ambassador Junie Laylo.
Si Laylo, sa kabilang banda ay nakipagpulong sa  Israeli Foreign Minister, araw ng Huwebe, nangako na papayagan ang mga Filipino na makatawid sa crossing.
“So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest,” ayon kay Pangulong Marcos sa press briefing sa isinagawa niyang pag-anunsyo sa bagong Kalihim ng Department of Agriculture sa Palasyo ng Malakanyang.
“Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin,” ang litaniya ng Punong Ehekutibo.
Sa ulat, ang Rafah Crossing Point ay ang tanging “crossing point” sa pagitan ng  Egypt at Gaza Strip, matatagpuan sa  Gaza-Egypt border.  kinilala ito ng  1979 Egypt–Israel peace treaty.
Nag-alok naman ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Thais, Vietnamese at iba pang mamamayan mula sa Southeast Asian countries na na-stranded sa crossing at nais na makaalis ng  Gaza, “telling other ASEAN countries to collaborate for the safety of their nationals,” ayon sa Pangulo.
“And it looks like we are the ones there first because ang presence naman ng Pinoy in the area is much higher than the others. So, that is the latest news that I received today, early this (Friday) morning from our Secretary of the DFA,” ayon kay Pangulong Marcos.
“And sana naman matotoo na para mailabas na natin lahat ng gustong lumabas and bring them back home to safety,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na naging komplikado ang situwasyon dahil hindi pinayagan ang mga Palestinian husband ng ilang  Filipino na lisanin ang Gaza.
Maraming mga filipino naman ang hindi makapagdesisyon kung iiwanan ng mga ito ang kanilang asawa at mga anak sa  Gaza, na nasa ilalim ng matinding pambobomba at atake ng Israeli forces.
 “Siyempre ayaw naman nilang iwanan ang asawa nila, ayaw nilang iwanan ‘yung kanilang anak. So, these are the problems that we are facing,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, inanunsyo ng  Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at  Philippine embassy ang pagpapauwi sa ilang batch ng mga  Filipino mula Israel. (Daris Jose)
Other News
  • Naka-create ng memories na puwedeng balik-balikan: MARIAN, labis ang pasasalamat kay DINGDONG na naging cheerleader at waterboy

    BAGO tuluyang umalis ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Eilat, Israel, na pinagganapan ng 70th Miss Universe pageant, nag-post muna siya sa Instagram ng pasasalamat sa kanyang asawa.     Capption ni Marian, “Before this trip ends I’d like to thank the best husband I could ask for – from […]

  • PBBM, target ang government-to-government deals para sa pagbili ng fertilizer

    TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang  government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng  fertilizers.     Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng  government-to-government deals.     Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa  China, Indonesia, United Arab Emirates, […]

  • Abalos, pinangalanan ang 4 na miyembro ng 5-man committee na magrerepaso sa PNP resignations

    ISINIWALAT ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng  Philippine National Police (PNP) senior officials.     Ang  apat na miyembro  ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., dating Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary […]