• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, natatanging opsyon ng ‘Pinas -Sec. Roque

Ang COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Filipino hanggang sa kalagitnaan ng taon.

Ang first batch ng Sinovac vaccine ay nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero habang ang mga doses mula sa Western drug makers ay magiging available pa lamang sa buwan ng Hunyo.

“Pagdating po ng bakuna hanggang Hunyo, wala po talagang pilian ‘yan dahil iisa lang po ang bakuna na magiging available. Iyon nga po iyong galing sa Tsina,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kahapon, pinasaringan ni Sec.Roque ang mga Filipino na mas pinipili ang COVID-19 vaccine mula sa US-based pharmaceutical giant na Pfizer.

Sinabihan niya ang mga ito na huwag nang maging “choosy” sa bakunang ibibigay sa kanila ng pamahalaan.

Gayunpaman sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na ang Pfizer vaccine ay maaaring dumating ng mas maaga kaysa sa Sinovac dahil ang pag-rollout nito ay pangangasiwaan ng COVAX Facility, isang global initiative na naglalayong tiyakin ang equitable access sa gamot.

Ang lahat ng bakuna na bibigyang awtorisasyon para sa emergency use ng local Food and Drug Administration ay mayroong “equal footing,” ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ito po ay magiging ligtas saka magiging epektibo para sa ating mga kababayan,” ayon kay Usec. Vergeire sa press briefing ni Sec. Roque.

“Hindi po natin kailangan na mamili po tayo ng bakuna. Kung ano po iyong mauunang bakuna, atin pong tanggapin iyan,” dagdag na pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • Romero tinupad ang pangako kay Hidilyn

    Mismong si House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) ang personal na nag-abot ng kanyang ipinangakong P3 milyong tseke kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.     Ayon kay Romero, hindi matatapatan ang naging sakripisyo ng 30-anyos na national weightlifter para makamit ang kauna-una­hang Olympic gold ng Pinas matapos ang 97 taon.     […]

  • Unang BANGON BULACAN! Online Song Writing Competition para sa Singkaban Festival, ginanap sa Bulacan

    Idinaos ng lalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ng programang “Kaisa sa Sining” ng Cultural Center of the Philippines ang Unang Bangon Bulacan! Online Song Writing Competition, Linggo ng hapon, bilang bahagi ng mga programa sa ilalim ng Sining at Kalinangan ng Bulacan (Singkaban) Festival na humihikayat sa lahat na ipakita ang kanilang mga talento sa […]

  • TRACKING SYSTEM PARA SA MGA OFW, SINIMULAN NG DOLE

    Pinagana na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tracking system para sa lahat ng Overseas Filipino Worker na nakabalik at pabalik pa lamang ng bansa na pawang naapektuhan ng Coronavirus disease-2019 pandemic.   Tinawag ang programa bilang OFW Assistance Information System (OASIS) ang sistema para makapagbigay-alalay para sa maayos na repatriation ng mga […]