• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anim na taon na sa pagbibigay ng inspirasyon: MARIAN, lubos ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana’

ANIM na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

 

Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng programa ang isang three-part special episode na nagsimula nitong Nobyembre 4.

 

 

Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle artists na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, kasama sina Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, at Ms. Jean Garcia.

 

 

Lubos ang pagpapasalamat ni Marian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana.’

 

 

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” pagbabahagi ni Marian.

 

 

“At hindi lang manunuod ang nai-inspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko.

 

 

“Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” saad pa nito.

 

 

“Sa loob ng anim na taon, nanatili pa rin ang mensaheng ipinapaabot ng Tadhana – na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian. Kaya naman pinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandag namin sa inyo,” pagbabahagi ni Tadhana Supervising Producer Carlo Balaquiot.

 

 

Mula 2017, ipinagdiriwang na ng ‘Tadhana’ ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bukod sa mga aral, nagbibigay inpirasyon din ang bawat epsiode sa mga manunuod. Kaya naman hindi nakapagtataka na ang Tadhana ay isa sa highest rating shows tuwing weekend.

 

 

Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show. May 9.3 milyong followers na ang Tadhana sa Facebook. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa. Ngayong taon, nagwaging National Winner bilang Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode ang programa sa 2023 Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

 

 

Isang kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagbabalat-kayo ang tampok sa ika-anim na anibersaryo ng Tadhana na pinamagatang “Secrets.”

 

 

Bagong salta sa eskwelahan ang Senior High student na si Ayen (Lexi). Magkukrus ang landas nila ng campus heartthrob/ rockband leader na si Rave (Gil), na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Agad na magkakagustuhan ang dalawa na ikakagalit ni Olivia (Analyn), ang #1 fan girl ni Rave at number one rin sa pambu-bully ng mga kaklase. Lalong gugulo ang buhay ni Ayen sa pagdating ng childhood sweetheart ni Rave na si Valerie (Ella). Naniniwala si Valerie na sila ni Rave ang itinadhana para sa isa’t isa dahil na rin sa kasunduan ng mga magulang nila.

 

 

Isang misteryosang babae ang lilipat malapit sa bahay nina Ayen at ng kanyang ina na si Stella (Jean). Ito ay si Claris Lucas (Jelai), isang negosyante na agad na makakapalagayan ng loob ng mag-ina. Lalong matutuwa sina Stella at Ayen kay Claris nang ipagtanggol nito si Ayen sa mga bullies. Pero ano nga ba ang koneksyon nina Claris kina Rave at Ayen? Ano ang kanyang tunay na pakay?

 

 

Huwag palampasin ang anniversary special ng ‘Tadhana’ na “Secrets” ngayong November 4, 11, at 18, 3:15 PM sa GMA Network.

 

 

May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts. Para sa mga Globay Pinoy, mapapanood ang Tadhana via GMA Pinoy TV.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • TRUMP PINAPANAGOT ANG CHINA SA COVID-19

    SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York.   Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus.   Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on […]

  • 4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

    APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.     Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng […]

  • Julia, mukhang sineryoso ang sinabi ni Kim kahit katuwaan lang

    SAGOT kay Kim Chiu nga ba ang recent Instagram post ni Julia Barretto?   Yun talaga ang pumasok sa isipan namin nang mabasa namin ang caption pa lang niya.   At nang mabasa nga namin ang mga comments ng netizen, pareho rin ang naging impression.   Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my […]