• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magaling, generous at down-to-earth: JENNYLYN, hinangaan nang husto ni SAMANTHA

VIRAL sina Jak Roberto at Celeste Cortesi!

 

 

As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang Tiktok video ng Miss Universe Philippines 2022 at ‘The Missing Husband’ actor.

 

 

Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?!

 

 

Naka-post ang naturang dance video ng dalawa sa Tiktok account ni Celeste at ayon pa sa caption ng beauty queen, sa Roxas City pa kinunan ang naturang dance video.

 

 

“A little TikTok break with @Jak Roberto here at the beautiful Roxas City #fyp #foryoupage #celestecortesi #jakroberto”, ang caption ni Celeste.

 

 

Pero knowing kung gaano katibay ang relasyon nina Jak at Barbie Forteza,

 

 

For sure ay hindi magseselos si Barbie Forteza dahil matibay ang nila ni Jak, at si Celeste naman ay may karelasyong hunky at guwapong football player.

 

 

Maisipan kaya ng GMA na pagsamahin sa isang serye sina Celeste at Jak lalo pa at pumirma na si Celeste (pronounced as Cheleste) sa Sparkle ng GMA bilang isa sa mga bagong talent ng Signed for Stardom 2023 kamakailan?

 

 

Samantala, si Jak Roberto ay featured artist rin sa Kapuso Profiles ng GMANetwork.com.

 

 

***

 

 

BALIK-TAPING na nga ang  ‘Love. Die. Repeat’ na bagong drama series ng GMA kung saan isa sa mga cast members si Samantha Lopez.

 

 

First time na gaganap si Samantha bilang isang ina sa isang proyekto.

 

 

Ano ang pakiramdam maging nanay ng isang Jennylyn mercado sa isang TV project?

 

 

“Ay, honored,” ang bulalas ni Samantha. 

 

 

“Napakabait na bata, one of my favorite actresses.

 

 

“Magaling, mabait, generous!”

 

 

At isa sa mga reyna ng GMA at kabilang rin sa mga top actresses ng Pilipinas.

 

 

“Hindi siya ganun kapag kasama mo, hindi niya ipinararamdam na, ‘Ay sikat ako, big star ako!’

 

 

“Hindi. Napaka-down-to-earth.

 

 

“Tsaka mommy talaga ang tawag niya sa akin, kaya anak din talaga ang treatment ko sa kanya.

 

 

“And we share the same passion, nagpi-Pilates kami pareho.”

 

 

Marami na sila ni Jennylyn na eksenang nakunan sa ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Biro nga mas gusto talaga niya kapag kontrabida siya dahil hindi siya kailangang umiyak sa maraming eksena.

 

 

“Salbahe pero drama, may iyakan, asawa ko pa Nonie Buencamino, hello, ang galing rin.”

 

 

Nahinto ang taping ng ‘Love. Die. Repeat’ noong September 2021 dahil nabuntis si Jennylyn sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.

 

 

At ang naging reaksyon ni Samantha na early this year ay tuloy na ulit sila sa taping ng nabanggit na drama series?

 

 

“Ay e di masaya! Blessing naman yung bakit hindi natuloy dahil nabuntis si Jen, e di ba matagal na nilang gustong magkaroon ng baby?”

 

 

Samantala, season 3 na ng Good Will sa NET25 na isa pa ring TV show kung saan kasali rin si Samantha.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area

    NASA 19 sasakyan na nakahimpil sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog bunsod sa hinihinalang nagliyab na talahiban dahil sa tindi ng init ng panahon, Lunes  ng hapon.     Sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) Ge­neral Manager Eric Jose Ines, umabot sa 19 ang inisyal […]

  • PBBM, ipinag-utos sa El Niño task force na tiyakin ang “steady water, power supply”

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa El Niño Task Force na tiyakin na magkakaroon ng “steady water at power supply” sa buong weather phenomenon.     Ibinigay ng Pangulo ang kanyang direktiba sa isang pagpupulong kasama ang mga key officials sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang.     “Mitigating the effects […]

  • Batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon, nilagdaan ni PDU30

    NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon.   Tinintahan ng Pangulo nitong Hulyo 2 ang Republic Act 11570 na nagre-require kay Marañon na mag- Oath of Allegiance to the Philippine Republic sa harap ng lehitimong authorized officer.   Ang […]