• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinaglalaban pero nauwi rin sa hiwalayan: KYLIE, nasasaktan ‘pag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni ALJUR

KASWAL lamang magkuwento si Kapuso Action star Ruru Madrid tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali. 

 

 

Limang taon na rin sila as boyfriend and girlfriend kaya marami na rin silang pinagdaanan at nalampasan sa kanilang relasyon.

 

 

Ayon kay Ruru, noong nagsisimula pa lamang sila ni Bianca, may pagka-introvert daw ang girlfriend, ang mga problema raw nito kinikimkim na mag-isa, kaya may tendency na lumaki ang kanilang problema, pero later on sila na rin dalawa ang natutong pag-usapan ang mga bagay-bagay.

 

 

Like pag may problema sila ngayon hindi na nila pinatatagal, pinag-uusapan na nila at bago matapos ang gabi, naayos na nila ang problema.  Inamin din ni Ruru na siya talaga ang madaldal sa kanila ni Bianca:

 

 

“So, ako yung madalas mag-open up, later on, nag-open up na rin siya. Ako kasi walang preno, walang stop, so si Bianca ang nagpapakalma sa akin.  Si Bianca kasi sobrang tahimik.  Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.

 

 

“Ngayon, naging palangiti na rin siya, mas bumabati sa mga tao.  Kaya mas nagtutulungan kaming dalawa. Kahit hindi kami magkatrabaho,  alam ko, may naitutulong kaming maganda sa isa’t isa.”

 

 

Bida si Ruru sa bagong nagsisimulang action serye sa GMA Network, ang “Black Rider,” 8 pm, after  “24 Oras.”

 

 

***

 

 

NAPAIYAK si Kylie Padilla nang mapag-usapan nila ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang tungkol sa failed marriage niya kay Aljur Abrenica.

 

 

“I hate it when people say, ‘Artista yan, papalit-palit lang. That’s their life. Ganoon talaga ang style ng mga artista when it comes to relationship.’  But people don’t know how much it hurt me. It’s very unfair and I wanted more for my kids talaga.”

 

 

Tanong nga ni Kylie, “bakit nagbabago? Bakit nagbabago ang love, so many promises sa simula, then biglang?,” at napaluha na siya sa interview.

 

 

“Medyo cliche, pero sana nagtira ako para sa sarili ko, kasi I gave my all talaga pero nagwakas pa rin ang aming relasyon.  Pero dahil nag-promise ako sa sarili ko, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko. Oh, my God!” at doon na hindi nakapagpigil ng emosyon niya si Kylie.

 

 

Inamin ni Kylie na nasasaktan siya kapag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni Aljur.

 

 

“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan.  Galing ako sa broken family kaya ayaw kong matulad sila sa akin.”

 

 

Si Kylie, ang unang katambal ni Ruru Madrid sa “Black Rider”.

 

 

***

 

 

BALITANG-BALITA na ang actress/singer na si Vina Morales ay may bagong boyfriend.

 

 

Sa kanyang Instagram, Vina posted ang isang reel mula Washington, D.C. na nagpapakita ng changing colors of three leaves… and a new man na kanyang kayakap habang nasa lawn sila of autumn leaves, walking down an esplanade during sunset, may mga photos din sila na nagpapakitang they are enjoying themselves in a restaurant.

 

 

“Autumn leaves and beautiful sunset at Washington, D.C.” caption ni Vina, complete with a smiley emoji and a heart.

 

 

Naka-tag sa Instagram handle ang @abkovalcin,, which happens to be a private profile with the name of  Andrew Kovalcin.

 

 

Sa comment section, maraming followers ni Vina ang nag-iwan ng red heart emoji at pagbati nila kay Vina. Kahit ang show business personality na si Noel Ferrer ay hindi nakapigil ng pagbati kay Vina na: “Yehey! Luma-love life! So happy for you, Vina” na sinagot nito ng “thank you, Noel.”

 

 

Katatapos lang ni Vina ng debut niya on Broadway for “Here Lies Love” replacing Lea Salonga in the role of Aurora Aquino.  Ayon kay Vina, isang “dream come true” to finally be able to say she is a “Broadway actor.”

 

 

Comment naman ng mga netizens, “whether or not the man in her Instagram reel is a boyfriend, we are just truly happy things are in full swing in Vina’s life. Cheers to that!”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act

    MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA).     Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance […]

  • Carlos Yulo nasungkit ang world championship gold medal sa vault

    Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang kauna-unahang gintong medalya matapos na namayagpag sa men’s vault event sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ngayong araw.     Nagtapos ang 21-anyos ng average na 14.916 na pinalakas pa ng kanyang 15.033 score sa second vault matapos na makapagtala ng 14.800 […]

  • Kapuso breakout star na si CLAIRE, bagong ‘Pantasya ng Bayan’ matapos magpasilip ng alindog sa serye

    ANG Kapuso breakout star na si Claire Castro ang bagong Pantasya ng Bayan.     Pagkatapos na magsilip ng kanyang alindog si Claire sa kanyang eksena with Rayver Cruz sa teleserye na Nagbabagang Luha, tinawag na siya ng netizens na bagong Pantasya ng Bayan.     Sey ni Claire sa binibigay na titulo sa kanya: “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, […]