• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra

BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.

 

 

Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit base sa napagkaisahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease (EID).

 

 

“May ample time for them (national athletes) to have the vaccination. Titingnan po namin sa IATF, just in case we have excess sa vaccines puwede po nating pagbigyan,” hirit pa Galvez.

 

 

Ginawa niya ang pahayag bilang tugon sa kahilingan nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, na maisama sa mga unahing bakunahan ang mga pambansang manlalaro.

 

 

Nakatakdang magdepensa ng pangkalahatang kampeonato ang ‘Pinas sa 31st SEA Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa parating na Nobyembre 21-Disyembre

Other News
  • Ads February 22, 2024

  • Aguilar 50-50 vs NLEX

    NAHULI rin pag-entra sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble si Philippine Basketball Association o PBA star Japeth Paul Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.   Kahapon ang inaasahang dating ng big man sa Angeles City, Pampanga na playing venue ng 45 th PBA Philippione Cup 2020 eliminations na mag-oopen na bukas […]

  • Utos ni PBBM, patuloy na pagbabawas sa import duty rates sa bigas, mais at karne

    PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang modipikasyon o pagbabago sa rates ng import duty sa bigas, mais at meat products hanggang Disyembre 2024 upang masiguro na abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever.     Sa paglagda sa Executive Order No. […]