PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster
- Published on November 7, 2023
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.
Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang krimen at hulihin ang mga may kagagawan sa krimen.
Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), mariing kinondena nito ang nangyari kay Jumalon.
“Ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Makakaasa kayo ng aming masusing pagtutok upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagpaslang,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, idineklarang dead-on-arrival sa Calamba District Hospital ang biktimang si Juan Jumalon, 57, mas kilala sa tawag na “DJ Johny Walker”.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang krimen dakong alas-5:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan may sariling booth sa Purok-6, Barangay Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Occidental. May programa sa radyo ang biktima na “Pa-hapyod sa Kabuntagon”.
Bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at agad itong binaril sa bibig na tumagos sa ulo. Ang pamamaril ay nakuhanan pa ng video.
Agad namang inutos ni PRO 10 Regional Director PBGen. Ricardo Layug, Jr,. ang paglalatag ng checkpoints sa bayan ng Calamba para sa agarang pagdakip sa suspek.
Lumilitaw na kinuha rin ng suspek ang kuwintas ng biktima.
Nabatid kay Layug na bumuo na rin sila ng Special Investigation task Group (SITG) na tututok sa pamamaslang kay Jumalon. (Daris Jose)
-
“Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at […]
-
PBBM, nagpositibo sa antigen test sa Covid-19
NAGPOSITIBO sa antigen test para sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may bahagyang lagnat ang Pangulo ngayon subalit “he’s okay.” Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong nakasalamuha o nagkaroon ng close contact […]
-
Global FC may rekord sa GAB
MAY bahid na ang rekord sa Games and Amusements Board (GAB) bilang blacklisted ang Global Football Club (GFC) dahil sa hindi pagpapasuweldo sa mga player at empleyado simula pa noong Agosto na umabot na halos P6M. Inilabas ng GAB ang desisyon nang hindi makapag-esplika si GFC at team manager Mark Jarvis sa mga reklamo […]