• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Global FC may rekord sa GAB

MAY bahid na ang rekord sa Games and Amusements Board (GAB) bilang blacklisted ang Global Football Club (GFC) dahil sa hindi pagpapasuweldo sa mga player at empleyado simula pa noong Agosto na umabot na halos P6M.

 

Inilabas ng GAB ang desisyon nang hindi makapag-esplika si GFC at team manager Mark Jarvis sa mga reklamo sa club na mga tinanggap ng ahensiya ng pamahalaan para sa professional sports.

 

Nakasaad sa motu proprio complaint na ang tatanggalan ng lisensiya at sususpendihin ang soccer club kung patuloy na hindi aaksiyon ang kanilang atraso sa paglabag.

 

Sumambulat ang blacklist order sa team nitong Setyembre 9, pero binigyan pa ang club ng tsansa na magpaliwalag na magiging batayan sa ipapataw na kaparusahan ng GAB. Pero hanggang kahapon wala pang nakakarating sa agency. (REC)

Other News
  • OA SA PANIC-BUYING

    KALAT nasocial media ang mga insidente ng panic- buying kung saan nagkakaubusan na raw ng suplay ng alcohol, hand sanitizer, tissue, face mask at iba pa sa gitna ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).   Kaugnay nito, agad na umapela ang gobyerno sa publiko na iwasan ang pagse-share ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil […]

  • Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

    PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.     Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.     Ayon kay Philippine Consulate General in New York […]

  • Binalangkas na IRR ng Anti Terror Law, tapos na – DoJ

    Nasa tanggapan na ng Department of Justice (DoJ) ang binalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law na kaagad isailalim sa evaluation.   Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, natanggap niya kahapon ang unang binalangkas na IRR ng RA 11479 o Anti Terrorism Law of 2020.   Ayon sa kalihim, kung kinakailangan […]