BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro
- Published on November 7, 2023
- by @peoplesbalita
PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.”
Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at pulis dahil sa mapayapa at maayos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30.
Ito ang kauna-unahang BSKE na idinaos sa rehiyon matapos itatag, apat na taon na ang nakalilipas at kauna-unahan naman sa Pilipinas simula 2018.
“Despite the occurrence of incidents in some parts of the country, the national government and the security sector can say that it did everything possible to protect our people from these peace spoilers,” ayon kay Galvez.
Pinuri rin nito na walang “failure of elections” sa anumang bahagi ng bansa, na aniya’y “a testament that the right of suffrage of Filipinos was protected across the nation.”
“We must remember that the BARMM was just established four years ago, making it a newcomer, so to speak, in the affairs of governance, which makes the conduct of the recent elections in the region both inspiring and admirable,” dagdag na wika ni Galvez.
“The BARMM leadership knows exactly the challenges it is facing, especially in the socio-economic and socio-political sphere. But despite these difficulties, it still forged ahead, confident in its capacity to hold free and honest elections,” lahad nito.
Ito’y sa kabila ng tatlo ang nasawi at walong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa BSKE 2023 sa BARMM. (Daris Jose)
-
Dahil dumadaan sa ilang emotional issues: SUNSHINE, mapaglabanan sana ang bagong sakit na nararamdaman sa pagpanaw ng ama
NAGING black ang profile picture sa Instagram account ng actress na si Sunshine Dizon. Nag-post din ito ng larawan kasama ang kanyang ama at caption kung gaano kasakit at nangungulila ang actress, wala pa itong ibang detalyeng inilagay. Isang malungkot nga ang ipinost ni Sunshine sa kanyang IG kunsaan, nangungulila ito […]
-
Tina-try na lang humanap ng saya sa ibang bagay: ERVIC, choice na maging loveless dahil wala pang time makipagrelasyon
CHOICE ni Ervic Vijandre na maging loveless, o baka wala siyang sapat na panahon para igugol sa pakikipagrelasyon sa ngayon. Ayon sa konsehal ng San Juan City, “Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung […]
-
PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference. HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa Presidential Guest House dahil patuloy siyang nasa isolation matapos na magpositibo sa COVID-19 testing noong nakaraang linggo. Bumuti naman ang kalusugan ng […]