• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil dumadaan sa ilang emotional issues: SUNSHINE, mapaglabanan sana ang bagong sakit na nararamdaman sa pagpanaw ng ama

NAGING black ang profile picture sa Instagram account ng actress na si Sunshine Dizon.

 

 

Nag-post din ito ng larawan kasama ang kanyang ama at caption kung gaano kasakit at nangungulila ang actress, wala pa itong ibang detalyeng inilagay.

 

 

Isang malungkot nga ang ipinost ni Sunshine sa kanyang IG kunsaan, nangungulila ito sa pagpanaw ng kanyang ama.

 

 

Kilala namin ang actress na talagang Papa’s girl at very close sa kanyang daddy. In fact, noong hindi pa pandemic, madalas na tuwing Kapaskuhan, kasama ang dalawang anak ay sa U.S. ito nagki-Christmas para makapiling ang daddy niya na do’n na naka-base.

 

Kaya malamang na nando’n din ito nang bawian ng buhay. Kung pagbabasehan naman ang Instagram post ng actress, tila huli niyang nakasama ang daddy niya noong Christmas ng 2021 kunsaan, nagpunta ito ng States.

 

Sa IG caption ni Sunshine, sinabi niya na, “I love you Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl.”

 

Kamakailan lang nang mag-open-up si Sunshine na dumadaan siya sa ilang emotional issues. Kaya sana, mas mapaglabanan ni Sunshine ngayon ang bagong sakit na nararamdaman.

 

 

Sa isang banda, nitong Miyerkules ng gabi na rin lumabas ang karakter niya sa GMA Primetime series na “Mga Lihim ni Urduja” bilang si Iris Dayanghirang, ang ina nina Gem, Crystal at Onyx.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na nga ang primetime series na gagawin ni Dingdong Dantes sa GMA Networks, ang “Royal Blood.”

 

 

Katulad nang una naming naisulat dito, ngayon na rin talaga ito sisimulan. Nagkaroon na ng story conference noong Lunes kunsaan, ipinakilala na ang bumubuo mg cast.

 

 

Kapansin-pansin na dalawa sa past leading ladies ni Dingdong na sina Rhian Ramos at Megan Young ay kasama sa cast. Pero this time, hindi sila mga love interest ng actor. Lalo na sa part ni Megan kunsaan, kasama rin ang mister niya na si Mikael Daez.

 

 

Ang “Royal Blood” ay tungkol sa kuwento ng pamilya, with Tirso Cruz III being the father of the family. Kung tama ang nakarating sa amin, wala halos maituturing na leading lady si Dingdong sa serye, kung meron man, hindi talaga magiging highlight daw ng kuwento at ito ay sa karakter ni Rabiya Mateo.

 

 

Masaya naman si Dingdong sa mga makakasama niya na parang reunion of sort na rin for him. Sabi nga niya sa kanyang Instagram post, “TGIS to Sana Ay Ikaw Na Nga, to Encantadia, to My Beloved, to Alyas Robinhood, to Stairway to Heaven, to Alternate- I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff, executives over the past 25 years! And now I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne and Rabiya for the first time.”

 

 

Kasama rin sa cast sina Benjie Paras, Dion Ignacio at Arthur Solinap. With Direk Dominic Zapata as the director.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PDu30, gusto nang tumakbo si Mayor Sara sa pagka-Pangulo sa 2022 elections

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.   Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang pigain ng media kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ngayon sa pagitan nina Pangulong Duterte at PDP-Laban chair, at ruling party’s acting […]

  • Argentina lango pa din sa World Cup Fever

    Hindi pa rin humuhupa sa Argentina ang mainit nilang pagkampeon ngayong taon ng FIFA World Cup.     Bukod sa may mga kasiyahan ay pilahan pa rin ang mga fans ng pagpapalagay ng tattoo.     Karamihan ng mga Argentinian ay nagpapatattoo ng larawan ng kanilang football star na si Lionel Messi.     Bukod […]

  • ‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’ is now the PH’s Highest-Grossing Film of 2022

    A fortnight after the local theatrical release of Marvel Studios’ Doctor Strange in the Multiverse of Madness, the film is now reported to be the Highest Grossing Film in the Philippines in 2022.     Fans of the Marvel franchise expressed their warm reception of the movie as it created new records in the Philippines: […]