• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA

“ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado.

 

 

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging daan para maisakatuparan na makapagbigay ng affordable rice sa merkado.

 

 

Inulit naman ni Edillon ang ipinahayag ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting na ang agricultural production ay dapat na nasa commercial scale upang sa  gayon, ang mga magsasaka ay magawang makapaglagay sa tamang investment at ang “research at development” ay dapat na mapanatili sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“That is the general direction that we will be going to – kumbaga may economies of scale ka. So, kung ganun, going forward, yes, we can attain that pero, ayon nga, marami pang kailangan mangyari muna,” anito.

 

 

Hiningan kasi si Edillon ng reaksyon ukol sa naunang pahayag ni  Department of Agriculture (DA) Secretary Franciso Tiu Laurel Jr. na malabo pa sa ngayon ang P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

“But for now, rice prices in the market will remain the same, “At this time, hindi pa talaga pwede.” ayon kay Edillon sabay sabing “So, with respect to improvements ng R&D (research and development), ‘yung irrigation natin. Sa ngayon, ang ginagawa natin is ‘yung clustering of farms, farm consolidation, para maging malalaki ang mga, you know farm sizes. We should be able to replicate that across the country.

 

 

At nang tanungin kung ang presyo ng bigas ay maaaring gawing  P20.00 kada kilo bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos, ang tugon ni Edillon ay ‘isa itong mithiin’ ni DA Secretary Laurel,  giit  ni Edullon na mas maalam o marunong ang DA Secretary  pagdating sa agriculture sector(Daris Jose)

Other News
  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]

  • DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga scammers na nag-aalok ng proyekto kapalit ng pera

    NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagpapanggap na konektado sa departamento at nag-aalok ng government contracts kapalit ng malaking halaga.     Nagpalabas ng babala ang DBM matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong di umano’y scammers sa isang entrapment operation […]

  • Mga senador na nagsasagawa ng senate inquiries, habol lang ay exposure- PDU30

    INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng mga Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil sa nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa.   Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado na may iba’t ibang […]