PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan city habang si Pat. Jhomel Blas, 26 ng C-5 Road, Brgy. Ususan, Taguig City ay nasa ligtas ng kalagayan.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, kusang loob namang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28, nakatalaga din sa DMFB Forward Base at residente ng 5-0 Gen. Santos Ave., Lower Bicutan, Taguig City na nahaharap sa kasong homicide at serious physical injury.
Sa inisyal na impormasyon mula kay P/SSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 4, habang nagsasagawa si Pat. Prado ng dry-fire gamit ang kanyang issued caliber .9mm Canik pistol sa loob ng DMFB Forward Base sa Blk 45 Salmon St. Brgy. Longos, alas-8:45 ng umaga nang aksidenteng pumutok ang baril.
Tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si SSgt. Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Pat. Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.
Kaagad isinugod ang mga biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na umabot ng buhay si PSSg Pacanor habang inilipat naman kalaunan si Pat. Blas sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot. (Richard Mesa)
-
Vaccination program, tuloy -Sec. Roque
TULOY pa rin ang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan kahit pa inilagay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021 at simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) […]
-
PBBM, nagpaabot ng pakikidalamhati sa Morocco
NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos para sa Morocco na matinding tinamaan ng 6.8-magnitude na lindol. “The Filipino people are deeply saddened to learn of the devastating 6.8-magnitude earthquake that has tragically claimed over 2,000 lives in Morocco,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas. “We stand in […]
-
3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, […]