• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels

NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.

 

 

      Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.

 

 

Nasa 11 Chinese vessels ang nagsagawa ng mga pagharang at panggigipit sa PCG vessels at sa resupply boats.

 

 

      Nabatid na nasaksihan din ng ilang miyembro ng media ang habulan hanggang sa mara­ting ng PCG personnel ang Ayungin Shoal.

 

 

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nakumpleto ang resupply mission sa kabila ng mga pagharang ng China Coast Guard.

 

 

Nabatid na sinamahan ng PCG ang dalawang barko na magsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre. Ang barkong World War II  ay 1999 pa  nasa Ayungin Shoal na indikasyon sa claim ng  Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

 

Tiniyak naman ng mga sundalong naka­talaga sa BRP Sierra Madre na patuloy nilang ipaglalaban at babantayan ang pag-aari ng Pilipinas mula sa bansang naghahangad  dito.

 

 

      Matatandaang batay sa 2016 Arbitral Award and the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Ayugin Shoal ay nasa loob ng 200-km exclusive economic zone ng Pilipinas.

 

 

Hindi ito matanggap ng China kaya patuloy ang pagharang sa mga resupply mission. (Dari Jose)

Other News
  • Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA

    OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza.       Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila.     Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]

  • BANTAYAN ANG MGA ANAK

    DUMARAMI ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw-araw na sa pinakahuling report, umabot na sa 49 ang kaso ng sakit, pero pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit ang ginagawa nilang pag-monitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19.   Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at […]

  • DBM, ipinalabas na ang P6.2B monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya

    SINABI ng  Department of Budget and Management (DBM) na ipinalabas na nito ang P6.2 bilyong piso para sa P500 monthly cash aid para low-income families.     Layon nito  na pagaanin ang paghihirap ng mga nasabing pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa gitna ng patuloy na tumataas na presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin. […]