BANTAYAN ANG MGA ANAK
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
DUMARAMI ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw-araw na sa pinakahuling report, umabot na sa 49 ang kaso ng sakit, pero pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit ang ginagawa nilang pag-monitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19.
Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at ang Metro Manila ang napuruhan. Ayon sa DOH, maraming naitala sa National Capital Region (NCR) dahil narito ang port of entry.
Isang magandang hakbang naman ang gina-wang pagsuspinde sa lahat ng antas ng klase sa Metro Manila. Mula Marso 10 hanggang 15 ay walang pasok na mismong si Duterte mismo ang nag-anunsiyo ng suspension, ito ay para mapigil ang pagkalat ng virus.
Ayon sa Presidente ‘pag natapos ang suspension ng klase at patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, muli raw silang magpupulong para pag-aralan ang mga susunod na hakbang. Ang mahalaga aniya ngayon ay nasa bahay ang mga bata para mailayo sa kumakalat na virus.
Nararapat namang bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at baka sa halip na tumigil sa bahay ang mga ito ay magtungo sa mall o sa mga matataong lugar kasama ng mga kaklase o kaibigan. Lubhang mapanganib ngayon kaya nararapat gabayan ang mga anak.
Ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang pag-iingat kaya nararapat namang gawin ng mga magulang ang papel para maingatan ang mga bata. Hindi na biro ang pagkalat ng COVID-19 na buong mundo na ang apektado.
-
Minimum wage pinarerebyu ng DOLE
INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis. Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo […]
-
IATF, suportado ang face-to-face classes para sa public at private schools
SUPORTADO ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng face-to-face classes para sa lahat ng public at private public institutions para sa pangunahing edukasyon. Gayunman, sinabi ng IATF na hindi dapat gamitin bilang requirement ang COVID-19 vaccination para sa pagsasagawa ng full face-to-face classes para sa basic education. Sa halip ayon […]
-
CLOE, aminadong mapangahas ang role sa ‘Silab’; MARCO, parang young RICHARD GOMEZ
INILULUNSAD bilang ganap na bituin si Cloe Barreto, talent ng 3:16 Talent Management at bida sa Silab, ang bagong sex drama offering ng film outfit ni Madam Jenilyn Carrillo. Sa isang pocket presscon for her and leading man Marco Gomez, sinabi ni Cloe na handa na siya to do all the demanding drama and […]