Marcos-Biden meeting sa APEC Summit, malabo
- Published on November 15, 2023
- by @peoplesbalita
MALABO nang magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden sa sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
“No plans on this trip,” ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.
Inamin ni Romualdez na may request mula sa tanggapan ni Vice President Kamala Harris na makapulong si Pangulong Marcos sa sidelines ng Summit.
“There is a request from the office of VP Kamala for sideline meeting with PBBM,” ani Romualdez.
Sa kabilang dako, nauna nang sinabi ng White House na pag-uusapan nina Biden at Chinese President Xi Jinping ang pagpapalakas sa komunikasyon at pangasiwaan ang kompetisyon kapag nagpulong ang mga ito sa sidelines ng APEC ngayong linggo.
Ang face-to-face meeting sa San Francisco Bay Area ay ang kauna-unahan sa pagitan nina Biden at Xi ngayong taon, mayroong high-stakes diplomacy na naglalayong pigilin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)
-
P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili
MAAARING manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP). Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB). Idinagdag pa ni Angara […]
-
DILG, pinapayagan ang PNP, BJMP, BFP personnel na magsuot ng ‘light uniforms’ sa gitna ng matinding init ng panahon
PINAYAGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and Bureau of Fire Protection (BFP) na magsuot ng light uniforms habang naka-duty sa gitna ng heat index na umaabot sa dangerous levels sa maraming bahagi ng bansa. […]
-
Netizens, nasasabik na sa mga susunod na episodes: Online serye nina HERLENE at JOSEPH, umaani ng papuri at kinakikiligan
UMAANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask” matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado. Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ring dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata […]