• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM provincial bus operations posibleng buksan

May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.

 

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial bus routes na mula at magtatapos sa National Capital Region dahil sa ngayon ang NCR ay hindi na mahigpit sa pagpapatupad ng community quarantine status.

 

“We’re already reopening, if I may say that – inter-provincial and inter-regional route except the one here in Metro Manila, which we are ready to open. We’re organizing them. Hopefully we’ll be able to open it within the month,” ayon kay Delgra.

 

Nakikipag-usap din sila sa mga provinces na buksan nila ang kanilang mga borders upang magkaron ng cross-provincial buses.

 

May ilan namang provincial bus operations sa labas at loob ng Metro Manila ang nag resume na kanilang operasyon sapagkat ang ibang provincial governments ay pumayag na muling buksan ang kanilang borders upang mapagbigyan ang cross-provincial public transportation.

 

Mula sa 81 na provinces nationwide, at least may tatlong (3) unang pumayag na pagbigyan ang cross-border travel mula Manila kasama ang Antique, Quirino at Bataan.

 

“Agreements with the local government units (LGUs) need to be secured first before provincial bus operations to their areas could be allowed to resume,” ayon kay Delgra.

 

Samantala, ang iba namang provinces ay hindi gustong magkaron ng muling pagbubukas ng kanilang borders lalo na sa mga travelers mula sa Metro Manila na siyang epicenter ng COVID 19 outbreak.

 

“Public transport from Metro Manila to the provinces require us to coordinate with LGUs concerned. They received these passengers. Since we are in the context of the pandemic, LGUs also need to be prepared on how to handle arriving and departing passengers,” dagdag ni Delgra.

 

Mayroon ng anim na buwan mula ng ihinto ng pamahalaan ang operasyon ng transportation services subalit ito ay unti-unting muling binubuksan ngunit limited capacity lamang.

 

May ilan namang interprovincial at inter-regional routes ang nabuksan na sa labas ng Metro Manila.  (LASACMAR)

Other News
  • Kung pinuri noon sa ginawang pagpapatawad: CHERRY PIE, hanga sa katapangan ni VP LENI kahit patuloy na binabatikos at binabastos

    SA kanyang IG Post ay nagpasalamat si Edgar Allan Guzman (ea_guzman) sa GMA Network, Arnold Vegafria, Gigi Lara, Daryl Zamora, at Sparkle GMA Artist Center at ALV Talents para sa bago niyang project.     May special thank you si EA kay Ms. Helen Rose Sese na nagbigay sa kanya ng tiwala at greenlight para […]

  • Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan

    NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan  City. Kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]

  • Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

    Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.     Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.     “Subject ito sa mga kondisyon […]