• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naalala ang daddy nang makita ang gazebo: IZA, naging emosyonal nang nakabalik sa GMA after 12 years

ANG ganda-ganda ni Iza Calzado nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda”  last Tuesday, November 14.  

 

 

Pagpasok pa lamang ng studio, hindi na napigilan ni iza ang maiyak na after 12 years ay nakabalik siya sa Kapuso Network, lalo pa at naalaala niya ang yumao niyang ama, ang actor-director na si Lito Calzado, na nagtrabaho roon.

 

 

“Hello mga Kapuso! It’s nice to be back.  Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito,” pagbati ni iza.

 

 

“Can I just say, I’m like kinikilabutan at the moment.  Lalo nang makita ko ang gazebo, sa may canteen, dahil doon madalas si Daddy, naninigarilyo.

 

 

“Actually, Tito Boy, akala ko I would be sentimental, of course sa pagbabalik ko.  Pero ang unang-unang naisip ko noon, kasi nagpa-picture ako roon sa may statue.  Tumingin ako sa gazebo, na-miss ko yung tatay ko.

 

 

“Kaya kung nakatrabaho ninyo siya, doon siya nakatambay, kaya I visualized him greeting me with the warmest smile,” na maluha-luha sa naalaala.

 

 

“Kaya nanatili akong nagmamahal at nagpapasalamat sa mga taong nakatrabaho niya, hindi ko sila nakakalimutan.”

 

 

Anyway, kasamang nag-guest ni Iza si Angel Guardian na siyang gaganap na Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na siya ring ginampanan ni Iza noon sa “Encantadia.”

 

 

As Amihan, ipinagkatiwala raw niya kay Angel ang pangalan ng kanyang anak dahil naniniwala siyang kayang-kaya nitong gampanan ang role.

 

 

Nakita na raw niyang magtrabaho si Angel sa “Shake, Rattle  & Roll Extremes” ng Regal Films na magkasama sila sa mga eksena.

 

 

Ayon naman kay Angel, pinag-pray niyang makasama siya sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” pero hindi raw niya hiningi.

 

 

But now, na siya ang gaganap sa role, nag-promise siya kay Iza na hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay a kanya nang pumayag itong gampanan niya ang role na gamit ang pangalan ng anak nitong si Deia Amihan.

 

 

Tanong pa rin kung magkakasama ba sina Iza at Angel sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” iyon daw ang aabangan.

 

 

***

 

 

SINOLO ni Jeric Gonzales ang girlfriend na si Rabiya Mateo sa Hong Kong kung saan sila nag-celebrate ng 27th birthday ng actress.

 

 

Ipinasilip ng Kapuso actor ang celebration nila sa Hong Kong sa mga lovely photos nila kung saan sila nag-enjoy na kumakain ng masasarap na Hong Kong food.

 

 

Birthday greetings ni Jeric: “HBD! @rabiyamateo enjoy 27 and stay beautiful ILYSM!”

 

 

Hindi naman kaila sa showbiz ang kuwento ng pagmamahalan nina Jeric at Rabiya, na nagkahiwalay pero nagkabalikan.

 

 

Kaya ngayon ay matatag na ang kanilang relasyon lalo pa at may tiwala na sila sa isa’t isa.

 

 

**

 

 

UMABOT na pala sa PHP72 Million ang box-office gross ng “Five Breakups and A Romance” nina Alden Richards at Julia Montes.

 

 

Kaya post ng GMA Pictures, “Maraming salamat sa walang katapusang suporta! At hindi pa dito nagtatapos!  Nasa 5th week na tayo sa mga sinehan sa Pilipinas at magkakaroon din tayo ng international screenings!

 

 

“Abangan ang susunod na mga announcements.”

 

 

At nag-announce na nga ang Myriad  Corporation ni Alden Richards ng: “It’s your time, Melbourne! (Australia): Catch “Five Breakups and a Romance” on November 25 and November 26 (both at 4PM) at Palace Dendy Brighton Cinema 4.

 

 

“For inquiries, you may contact PinkFish Productions. Kaabang-abang ang pagdalo nina Alden at Julia ng two-day block-screenings nila.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

    PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.   Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong […]

  • Boston Celtics ambisyon din si Durant mula sa Brooklyn Nets?

    LUMUTANG ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.     Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team.   […]

  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]