• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagku-quit sa showbiz, itsa-pwera na: BEAUTY, ipinagmamalaki ang mga tattoo maliban sa ‘butterfly’

KINUNAN namin ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng kanyang mga alahas na isinuot sa GMA Ball noong July 22, 2023 kung saan isang cultural critic at independent curator, si Marian Pastor Roces. Sinita ang aktres dahil sa paggamit ng mga alahas na galing sa patay o “death mask” na ginagamit na pangtakip sa mata at bibig ng yumao bago ilibing noong mga unang panahon.
“I know,” umpisang sinabi ni Beauty tungkol sa isyu, “well it’s better that I didn’t talk ‘coz it’s a very unending conversation.
“I respect on what she believes, I respect also on what I believe and I only wish world peace,” ang simple at maiksing pagtutuldok ni Beauty sa usapin.
Sinundot pa namin ng tanong ang aktres kung isusuot pa ba niya muli ang mga nasabing alahas.
“Yes, definitely,” ang mabilis na sagot ni Beauty, “and you should watch for more!”
Natanong rin si Beauty tungkol sa sinabi niya sa isang panayam tungkol sa naiisip niyang paghinto na sa pag-aartista.
Lahad ni Beauty, “Yeah na-erase na. There are times na pagod ka as an artist, ‘Ay laos na ako! Pagod na ako. Wala na akong maibibigay.’
“And then suddenly nung na-realize ko na, ‘What else am I gonna do?’
“This really makes me happy, I feel so blessed that everybody loves me also here and I’m blessed na my husband really made me realize na, ‘Tange! This is where you belong, you should continue doing this.’
“And I’m blessed na, ‘Tama ka naman.’
“And ngayon balik na ako sa normal,” ang nakangiting sabi pa ni Beauty.
Sa mediacon ay isang revealing black outfit ang suot ni Beauty kung saan kita ang mga tattoo niya na ayon sa aktres ay sinimulan niyang ipalagay noong siya ay disi-sais anyos pa lamang.
Kaya tinanong namin ang aktres kung ilan lahat ang kanyang tattoo sa katawan.
“Five, six?”
Lahat raw ng tattoo niya ay paborito niya.
“Wala naman akong hindi ko gusto,” wika pa ni Beauty.
May isa lang raw na pinagsisihan niya.
“Yung sixteen years old ako, yung butterfly kasi lahat may butterfly,” at tumawa si Beauty.
Tumanggi naman ang aktres na ipakita ang naturang butterfly tattoo.
“Makikita na yung panty ko!”
Bukod sa kanyang butterfly tattoo ay pina-enumerate namin sa kanya ang iba pa.
“The name of my mom, it’s Carina Brenda Luche, Cabrel; my Bambi.”
Si Bambi ang sikat na Disney cartoon character na isang deer at kuwento ni Beauty, Bambi ang second name ng mister niya.
“It’s Norman Bambi Crisologo. I know it’s funny, right? Sabi ko, ‘Ano kayang nakain ng parents mo bakit naging Bambi ka’, at muling tumawa si Beauty.
“My fourth is this one, it’s nothing, it’s just something I thought of,” sinabi ni Beauty habang ipinapakita ang tattoo niya sa kanang bahagi ng likod niya na malapit sa kanyang dibdib ng isang batang babae walang ulo na may hawak na tila lobo nguni’t sa halip na lobo ay ulo nito ang nakakabit sa tali.
Ang panlima niyang tattoo ay disenyo ng kambal na nilalang.
“Coz I’m a Gemini.”
Samantala, isang mabilis na “Hindi” ang bulalas na isinagot ni Beauty sa tanong namin kung naniniwala ba siya sa astral projection.
Tungkol kasi sa astral projection ang ‘Stolen Life’ kung saan magkakapalit ng kaluluwa sina Farrah (papel ni Beauty sa serye) at Lucy, na gagampanan naman ni Carla Abellana.
Hindi siya nagtanong sa writers ng programa nila?
“Well, I asked them but you know as an actor and as a storyteller you just believe in what you wanna portray and you don’t wanna inhibit yung gusto nilang iparating sa mga tao, so…”
Kapag may mga maselan o mapangahas na eksena si Beauty sa isang proyekto ay pinapanood ito ng mister niyang si Norman, tulad ng mga intimate scenes nina Beauty at Gabby Concepcion (bilang Darius) sa Stolen Life.
“Oh, he watches everything,” pagbabahagi ni Beauty. “Actually even the scripts that I’ve done, all the movies, binabasa ng asawa ko and I’m very open to him.
“I’m very blessed that he’s not seloso, he’s a very supportive husband, maybe it comes with age, in what he does in life, he’s an art curator so he knows that I’m just doing my job and he knows that
I’m enjoying,” ang tumatawang sinabi pa ni Beauty.
Napapanood ang ‘Stolen Life’ Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

    Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.   Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.   Sa Red […]

  • Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH

    PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit.     Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon. […]

  • ‘The Conjuring’ unveils final trailer of ‘The Devil Made Me Do It’

    THE true case that proved the Devil was real.      Warner Bros. Pictures unveils the final trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.     Check it out below and watch “The Conjuring: […]