• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.

 

Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.

 

Sa Red Cross laboratory dadalhin ang swab samples para iproseso kung saan malalaman ang resulta pagkatapos ng tatlo hanggang apat na araw.

 

Ayon sa Grab ang proyektong ito ay gagawin at magtatagal ng dalawang buwan sa ibang lungsod sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ni Grab Philippines president Brian Cu na uunahin muna nila ang may 40,000 na aktibong mga drivers at riders. Kasunod naman ay ang may humigit kumulang na 20,000 na drivers na natitira at naghihitay pa ng kanilang permit para mag operate.

 

Dagdag pa ni Cu, upang mahikayat ang mga drivers na sumailalim sa swab testing, ang kanilang kumpanya ay magbibigay ng P10,000 na assistance kung nag positibo ang isang driver habang sila ay naka quarantine.

 

Ang project na ito ay sa pagtutulungan ng Grab Philippines kasama ang National Task Force for COVID 19 at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

 

“The initiative is part of the government’s expanded targeted testing protocol, which aims to test frontline workers,” wika ni BCDA chief at testing czar Vince Dizon.

 

Ayon sa kanya, sa bagong guidelines, ang mga frontline workers na nasa special concern areas ay qualified na sumailalim ng libreng COVID-19 testing.

 

Kasama rin dito ang mga workers na nagtratrabaho sa public transportation sector tulad ng jeepney, bus at tricycle drivers.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa Grab para sa ginawang pilot initiative sa Quezon City. Nagkaron naman ng ika-dalawang swab testing na ginawa  sa Amoranto Sports Complex.  (LASACMAR)

Other News
  • Mula sa nakatatakot na si Padre Salvi: JUANCHO, level-up ang pagiging kontrabida sa ‘Maging Sino Ka Man’

    MULA sa nakatatakot na pagganap bilang si Padre Salvi sa ‘Maria Clara At Ibarra’, muling katatakutan si Juancho Triviño sa bagong role niya as Gilbert sa Kapuso special series na ‘Maging Sino Ka Man.’     Sey ni Juancho ay mag-level up pa ang inis ng mga tao sa bagong kontrabida character niya dahil gusto […]

  • Mahigpit na seguridad ipapatupad ng PNP sa filing ng COC

    Asahan ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula unang araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.     Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta.     Ilan sa critical scenarios na […]

  • Serye nila ni Alden, umabot na sa 100M views: BEA, dalawang projects ang sisimulan sa pagbabalik mula Spain

    EXCITED na ang mga netizens na mapanood ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na magiging tampok sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at si Angel Guardian as the Chua sisters.       Nagpatikim na kasi ang GMA Network at Regal Entertainment sa pamamagitan ng full trailer ng serye dahil napapanood na ang ilan […]