• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maraming matutulungan dahil nasa GMA na: SAM, thankful sa suporta ni RHIAN na lumabas sa isang episode ng ‘Dear SV’

SIMULA ngayong Sabado, November 18, 11:30 p.m mapapanood na ang ‘Dear SV’ sa GMA-7.
Ipi-feature sa public service program na hino-host ni Tutok to Win Party List Representative Sam “SV” Verzosa, ang mga bagong episodes na kung saan hina-highlight ang nakaka-inspire na kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na hindi nawawalan ng pag-asa at nananatiling matatag sa kabila ng mga pakikibaka at hamon na hinaharap nila araw-araw.
Ang ‘Dear SV’ na nag-premiere sa CNN Philippines last February, ay nagsilbing liwanag at pag-asa sa mga individuals at communities sa buong bansa sa pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng sustainable livelihood, scholarships, employment at financial assistance.
Ayon kay Rep. SV na CEO at co-founder mg Frontrow International at Frontrow Cares, “I’m so grateful to my first home network for giving me the oppurtunity to venture into TV hosting.”
Isa nga sa hindi malilimutang encounters ng President ng Maserati Philippines ay ang 86 year-old na si Lola Fedeng na isang pedicap driver.
“To me, that was really an eye opener.  Imagine, Lola Fedeng still works at het old age.  She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet.
“Her story is really is really inspiring.  That’s what we want to share and to inspire more.”
Sa mga episodes na ipalalabas sa ‘Dear SV’, maraming na-experience si Sam sa unang pagkakataon tulad ng pagpi-pedal ng pedicab, paglilinis ng isda sa wet market at marami pang iba.
Ipinagmamalaki ni Sam na Director of Charity ng Miss Universe Philippines, na dahil sa ginawang immersion sa show, natututunan niya ang higit pang mga aral sa buhay.
“My close encounters with Lola Fedeng, Tatay Rolando, Ronnie and others have humbled me.  Now, I am grateful and content with what I have,” seryosong pahayag ni Sam na naging emosyonal sa mediacon nang mapanood ang pasilip sa mga episodes na mapapanood sa ‘Dear SV’.
Pahayag pa ng founder ng Batang Sampaloc Foundation Inc., pinagpapatuloy niya ang legacy ng yumaong ama na tulungan ang mga nangangailangan.  Kaya patuloy siya sa pagbabahagi ng mga blessings na natatatanggap.
Palagi rin niyang tinatandaan ang advice ng butihing ama na, ‘Never forget to give back.’
Inamin din ni Rep. Sam na super supportive ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos sa kanyang advocacy.
Happy rin ang Kapuso actress na magkasama na sila sa isang network.
“Total support talaga si Rhian, minsan sumasama siya sa shoot namin,” say niya.
“Then, one time, wala sa plano, sabi namin, why not samahan niya ako na ibigay ang regalo sa isang karapat-dapat na tao.
“Pero dahil nandun siya to support me, bigla siyang lumabas sa isang episode na kinunan namin sa Davao de Oro, na malayong lugar.”
Hindi na naman bago kay Rhian ang tumulong, dahil active talaga ito sa kanyang advocacies, na isa sa napagkakasunduan nila ni Sam.
“Matagal na siyang gumagawa ng mga charities niya, lalo na pag birthday niya.
“Kaya maganda, dahil iisa ang advocacy namin.  Actually, nung umpisa pa lang kami na magkakilala, yun pangrap ko at pangarap niya ay magtayo ng community na sustainable na makatutulong sa mga tao.
“Kaya medyo nagulat kami, dahil pareho ang gusto namin at isa yun sa nag-connect sa amin noong bago pa lang kami nagkakilala.”
Dagdag pa ni Sam, “ang laking bagay talaga ang support niya plus yun non-stop na advices niya.  Minsan kasi, kinakabahan pa ako bago mag-shoot, kaya siya ang nagbibigay ng inspirasyon at mga advice.”
At dahil mapapanood na ang ‘Dear SV’ sa GMA, asahan na susuportahan siya ng mga Kapuso stars sa kanyang future episodes.
“Yan po ang nabanggit sa akin ng mga GMA executives, na kung pwedeng pumasok ang mga Sparkle at Kapuso artists sa show, para makapagbigay ng inspirasyon at makatulong sa iba.”
Panghuli pang pahayag ni Rep. Sam na pinaka-layunin ng ‘Dear SV’ ay, “my advocavy is to help who help the helpless who work hard to improve their standard of living.  And that’s exactly what ‘Dear SV’ stands for.”
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Ugnayan ng Pinas-US, “stands on its own”- Amb. Carlson

    SINABI ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na walang kinalaman ang anumang bansa lalo na ang China sa commitment ng Estados Unidos na suportahan ang Pilipinas. Ani Carlson, ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US ay  “stands on its own.” Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Carlson ukol sa kung […]

  • Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA

    NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.     […]

  • Abueva, tinanggihan ang mga alok sa ibang liga

    Mas pinili pang maglaro sa PBA kaysa mapunta sa ibang liga si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva.   Sinabi nito na mula ng masuspendi siya sa PBA noong June 2019 ay inalok itong maglaro sa ibang liga gaya sa MPBL, liga sa Thailand at sa Japan.   Ang nasabing mga offier ay kaniyang tinanggihan dahil […]