• April 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA

NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.

 

 

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.

 

 

Aniya, bagamat kaliwa’t kanan ang mga campaign rallies at sorties na nilalahukan ng maraming tao noong kampanya ay wala raw silang nakitang anuman epekto nito o pagtaas man sa bilang ng mga kaso ng nasabing sakit.

 

 

Samantala, sa kabila naman ng pagdami ng mga kaso nito sa rehiyon ay ipinalagay naman ni David na hindi na ito lalagpas pa sa 10,000 ang bilang ng mga kaso nito sa rehiyon.

 

 

Patuloy pa rin naman ang kanyang panawagan sa publiko na magpabakuna na at booster shot bilang dagdag na proteksyon laban sa naturang sakit at gayundin ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Face shield mandatory sa pagboto – Comelec

    HINDI muna dapat itapon ang mga ‘face shields’ dahil sa kakailanganin pa ring isuot ito ng mga botante na dadagsa sa tinatayang 105,000 voting precincts sa National at Local Elections sa Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     “We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nung […]

  • Pagsalang sa bakuna kontra COVID, inihirit na isama sa mga kondisyones sa pagtanggap ng 4ps

    IPINANUKALA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benipersaryo ng 4Ps.   Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais na sumalang sa bakuna.   Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang […]

  • ‘Wonder Woman 1984’, Now Streaming on HBO GO

    HBO GO give Filipinos the chance to catch Wonder Woman 1984, the much-celebrated DCEU film that broke the film company’s streaming records, as it exclusively premieres on the HBO streaming app starting today, April 21.       In this much-awaited sequel, viewers are taken back in time to the vibrant and fashionably wild 80’s era where […]