• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang mga APEC members na palakasin ang ugnayan para maging accessible ang green technology

HINIKAYAT  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga  APEC member economies na tiyakin ang malakas na  “economic at technical cooperation” upang magarantiya na “accessible” ang  green energy solutions.
Sa isinagawang interbensyon sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Informal Dialogue and Working Lunch sa Moscone Center, sinabi ni Pangulong Marcos na makatutulong ang  bloc sa mga itinuturing na “vulnerable nations” na bawasan ang emisyon.
“APEC can contribute to a trade and investment environment that assists economies in cutting emissions, facilitating climate financing, and supporting technology transfer, especially for the most vulnerable economies. Technology diffusion ensures that green energy solutions are accessible and affordable to all,” ayon kay Pangulong  Marcos.
“In this regard, I call for stronger economic and technical cooperation,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Pangulong Marcos na ang  “regional cooperation, structural reforms, at capacity building” ay magiging  “even more critical as we advance toward our sustainability and inclusivity goals.”
Aniya pa, ang susi para tugunan ang mataas na halaga ng green technology ay sa pamamagitan ng kooperasyon sa “development, liberalisasyon ng sektor, at i-facilitate ang  green trade at investment” nito.
Tinukoy din ng Pangulo ang paggamit ng agham, teknolohiya/ innovation at kooperasyon. sa pagsasaliksik na mapababa ang halaga ng  development para mapabilis ang  climate mitigation solutions.
Winika pa ng Chief Executive na ang economic reform tungo sa “greening the economy” ay may mahalagang  foundational role.
” Good regulatory practices and integrating innovation into regulatory policy development would ensure that economies have an enabling environment to encourage and adopt a green economy,” aniya pa rin
“As regulators and decision-makers, ours is the responsibility to balance stimulating economic growth with protecting the public during this transition,” ayon pa sa Pangulo.
“Capacity building in the development of new models, scenarios, and risk assessment tools, sharing of data, and building of new reporting standards compatible with the evolving context would prove critical in both magnifying the collective impact of our individual actions and appropriately monitoring and evaluating our progress in the implementation of our objectives,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Estados Unidos nang pangunahan ang “critical discussions” na gumagarantiya sa  commitment at  excellent chairmanship nito sa   APEC ngayong taon. (Daris Jose)
Other News
  • SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN

    IWASAN  ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers. Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente  at gustong […]

  • Kasama sina Maine, Julie Anne at PPop group na Alamat: BingoPlus, inilunsad ang pinakabagong digital perya game na ‘Pinoy Drop Ball’

      IPINAKILALA ng BingoPlus, ang nangungunang plataporma ng bansa pagdating sa digital entertainment, ang pinakabagong perya game nito na ‘Pinoy Drop Ball’ sa isang selebrasyong puno ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila.   Tampok sa paglulunsad ang mga pagtatanghal mula sa BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza, at […]

  • Theater actress din ang figure skater: MISHA, hindi nakasama sa seryeng ‘Hearts On Ice’ dahil nagpi-prepare sa competition

    ISANG mahusay na figure skater, maraming awards na ang nakamit ni Misha Fabian mula sa mga sinalihan niyang sari-saring skating competitions sa iba-ibang bansa.   Lahad ni Misha, “I’ve joined many competitions over the years, and each one has taught me valuable lessons.”     Ilan sa mga maituturing ni Misha na highlight ng kanyang […]