• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip

NAKAKUHA  nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.

 

 

Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet Micro GEO satellites at weather forecasting program gamit ang Artificial Intelligence o AI.

 

 

Mula sa nabanggit na halaga, $400 million dito ay mula sa telecommunications sector; $250 million sa semiconductor at electronics; $20 million sa pharmaceutical healthcare; $2 million sa artificial intelligence weather forecasting; at $0.3 million sa renewable energy.

 

 

Nakuha rin ni Marcos ang commitment para sa suporta sa oncology hospital na magpapahusay sa serbisyo para sa mga pasyenteng may cancer.

 

 

Karagdagang $1 billion pamumuhunan naman para sa semiconductor industry ang nakalinya rin para sa negosasyon sa mga kumpanya sa Amerika. Nagkasundo ang Pilipinas at US na magtutulungan para mapalakas ang semiconductor supply chain sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong

    PINAG-AARALAN na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila […]

  • Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa

    KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.     Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]

  • Ads May 15, 2023