• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-consider na mag-judge sa ‘Miss Universe 2023’: BOY, na-disqualified dahil in-interview si MICHELLE sa show

SA afternoon program ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7, last Tuesday, ipinahayag niya na na-consider siya para makabilang sa panel of judges sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador.  

 

 

Pero na-disqualified siya dahil sa latest interview niya kay Michelle Marquez Dee sa kanyang talk show.

 

 

“Ako ay naimbitahan, pero na-disqualified din ako from judging this year’s Miss Universe dahil in-interview ko si Michelle sa show ko,” wika ni Boy.

 

 

“Sa kanilang rules pala ay bawal ang interview.”

 

 

Hindi naman nagtampo si Boy dahil para sa kanya “it was worth it and that I was really going to vote for the Philippines. I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy. Michelle got to the Top 10.”

 

 

Natapos ni Michelle ang Miss U with three special awards, kasama rito ang “Voice for Change” to her name.  Sa ngayon ang Sparkle beauty queen ay nasa Mexico pa kasama  ang iba pang delegates for media guesting.  Babalik siya sa Pilipinas on November 26 or 27.

 

 

***

 

CONGRATULATIONS to Yasmien Kurdi and Rey Soldevilla, they are going to be a family of four soon!

 

 

Sa Instagram, ang mag-asawa ay nag-announce na magkakaroon na sila ng another baby soon. May family photo sila na nagsasabing they are expecting baby number 2.

 

 

May photo rin si Yasmien hawak ang kanyang pregnancy result.  May isa ring photo na ang anak nilang panganay na si Ayesha ay nakasuot ng t-shirt with the words na “Big Sister” and “Only Child” pero crossed out na ang “Only Child.

 

 

Inamin ni Yasmien na isinikreto muna nila ang balita: “We’ve been keeping a little secret for a while, #BabyNo2 soon this 2024. The third dragon in the family.

 

 

“Dragon ang zodiac sign ng isisilang na baby ni Yasmien tulad din ni Ayesha who is turning 11 years old na this November.

 

 

Tumanggap naman ng mga pagbati si Yasmien mula sa kanyang mga kaibigang celebrities.

 

 

Sa ngayon ay napapanood si Yasmien sa daily afternoon drama series na “The Missing Husband” with Rocco Nacino, Sophie Albert, Jak Roberto and other actors, after “Stolen Life” sa GMA-7.

 

 

***

 

KABABALIK lamang pala ng mag-asawang Matteo Guidicelli and Popstar Royalty Sarah Geronimo from their European trip, shared by Kapuso actor and snapshots taken from  beautiful spots in Italy and Spain.

 

 

Caption ni Matteo: “sharing a few pictures from our recent trip to Italy and Spain.”

 

 

Ayon kay Matteo, “it’s a beautiful experience driving from Rome to Amalfi and down to Napoli in Italy.”  Tumuloy din sila ng Madrid to San Segastian, Spain bago sila bumalik ng Italy.

 

 

Matatandaang this year nag-sign ng contract si Matteo sa GMA Public Affairs at nagsimula siya agad mag-host sa “Unang Hirit.”

 

 

Gumaganap siya ngayon as one of the lead stars sa “Black Rider” with Ruru Madrid, Yassi Pressman, Katrina Halili, Jon Lucas sa primetime sa GMA-7.

 

 

Si Matteo rin ang bida sa action-filled adventure movie na “Penduko” ng Viva Films, na isa sa mga official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • LOVELY, labis ang pasasalamat kay KATHRYN sa bonggang wedding gown; basher, tinawag na ‘user’

    LABIS-LABIS nga ang pasasalamat ni Lovely Abella kay Kathryn Bernardo dahil sa napakagandang regalo na natanggap niya, dalawang araw bago sila ikasal ni Benj Manalo noong Sabado.     “Sobrang Thank you My Ga and Ga @janaranilla sa time and effort, Thank you so much @bernardokath sa napakagandang Gift buti na lang naihabol, salamat super @bernardokath  #benly,” post ni Lovely. […]

  • Proud na proud sa pagiging lola… JAYA, karga-karga ang unang apo na si GRAYSON

    LAST year lang ni-launch via Sparkle Teens sina James Graham at Charlie Fleming.     Dream nila noon na makasama sa isang malaking teleserye. Natupad ang wish nila dahil kasama sila sa big cast ng Widows’ War.     Pareho nasa teleserye na Royal Blood sina James at Charlie kaya nag-crossover ang characters nila sa […]

  • Kaparian sa Archdiocese of Manila, hinikayat ni Bishop Pabillo na magtatag ng community pantry

    Ikinatuwa ng opisyal ng simbahan ang pagtutulungan ng mamamayan upang maibsan ang paghihirap  ng kapwa dulot ng coronavirus pandemic.     Ito ang tugon ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Commission on Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa lumaganap na ‘community pantry’ kung saan maaaring kumuha ng libre […]