• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa effort ni Angeline na dumalaw: KRIS, nakikipaglaban pa rin kaya ‘di priority ang lovelife

NAGPAPASALAMAT nang labis-labis si Queen of All Media Kris Aquino sa naging sa effort ni Angeline Quinto na dumalaw sa kanyang bahay sa Amerika, katulad ng ginawa kamakailan ng anak-anak na si Kim Chiu.

 

 

Sa Instagram post ni Kris, kasama ang video na mapapanood si Angeline na kinantang muli ang theme song ng morning talk show na “Kris TV.”

 

 

Panimulang caption ni Kris, “Thank you for visiting me @loveangelinequinto… It’s a great feeling to reminisce.

 

 

“That’s the good thing about the past, you get to choose which memories to bring with you…”

 

 

Kasunod nito ay nais niyang linawin, “May I clarify something I saw from the @inquirerdotnet feed? It was dated November 9, unfortunately by the time that post came out it was no longer true.

 

 

“A long distance relationship is difficult when undergoing very physically demanding treatments like my methotrexate and my Dupixent.

 

 

“But I got my latest blood panel, apart from my very low hemoglobin, all my autoimmune markers are slowly improving.

 

 

“The truth is that I chose to lessen the stressors in my life and put my well being first… on November 3, 2023, I initiated our breakup.”

 

 

Ang tinutukoy dito ni Kris ay si Vice Mark Leviste.

 

 

“It was a well thought out decision based on choosing to do what’s best for me now. I’m dealing with so much and my love life isn’t a priority,” pagpapatuloy niya.

 

 

“To protect my family’s privacy, please allow me to not give details about something that’s weighing heavily in our hearts (if you can pray for my sisters too, in the way you’re praying for me, sobra sobra ang pasasalamat ko).

 

 

“Maraming salamat po, against all odds I am slowly getting better and by God’s grace my autoimmune thyroiditis has gone into remission.

 

 

“And also because my doctors caught it early enough, my 5th autoimmune, the mixed connective tissue disease which was strongly pointing towards RA (rheumatoid arthritis) or SLE (lupus) in my latest panel, seems to not be a present threat.

 

 

 

“From 5, i’m now just battling 3, BUT 1 of them is the main contrabida because it’s life threatening. THANK YOU for your prayers. God really is listening. #grateful.”

 

 

Nag-post naman si Angeline sa kanyang Instagram ng photos kasama sina Kris, Josh, Bimby, Mark at kanyang asawa’t anak.

 

 

Say ng niya, “I miss you and I love you ate Kris. Ang tagal na kitang gustong puntahan sa U.S at finally nagkita na ulit tayo.

 

 

“Get well soon ate. Pag nakabalik kami dyan, lagi ka naming pupuntahan.

 

 

“Thank you, Josh, Bimb and Kuya Mark @markleviste.

 

 

“We love you ate @krisaquino.”

 

 

***

 

 

GINAWARAN ng Presidential Communications Office – Freedom of Information Program (PCO-FOI) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng natatanging karangalan noong Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023, bilang pagkilala sa Board sa pagtalima nito sa aktibong pagsulong ng transparensi at pananagutan sa pamahalaan.

 

Ito ang ikatlong beses na tumanggap ng parangal ang MTRCB mula sa PCO-FOI. Naging 1st runner-up ang MTRCB noong 2020 at 2nd runner-up noong 2021. Ang patuloy na pagkilala ng PCO-FOI sa MTRCB ay nagpapatunay sa dedikasyon ng MTRCB na isulong ang “access to information” at responsableng panonood at paggamit ng media.

 

“Ang MTRCB ay taos-pusong nagpapasalamat sa parangal na ito mula sa Presidential Communications Office – Freedom of Information Program,” sabi ni Lala Sotto, Chairperson ng MTRCB.
“Ito ay testimonya ng aming patuloy na bokasyon tungo sa transparensi at pananagutan, mga adbokasiya na bahagi ng aming masugid na misyon.”

 

Sa pamamagitan ng Responsableng Panonood (RP) Information Campaign, layon ng Board na bigyan ng kaalaman at kakayahan ang mga manonood na gamitin ang MTRCB Ratings System upang maging mapanuri at responsableng makapamili ng mga panooring makabuluhan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads January 11, 2021

  • Biden, pormal nang nanumpa bilang 46th US president

    Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden.   Idinaos ang kanyang panunumpa sa US Capitol, na pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts. Sa kanya namang unang talumpati bilang US president, nanawagan si Biden na magkaroon ng bagong simula sa pulitika sa kanilang at pagtanggi sa aniya’y pagmanipula sa […]

  • NU Bulldogs pasok sa Final Four: first time sa pitong taon

    Sa wakas ay tinapos ng National University (NU) ang pitong taong paghihintay para makalaro sa UAAP Final Four ng men’s basketball championship matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST), 67-57, Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena.   At alam talaga ni NU coach Jeff Napa kung ano ang ibig sabihin nito.   […]