• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom

ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos iulat ng OCTA Research na mahigit 1.3 milyong pamilya ang nakaraos sa gutom, samantalang 1 milyong pamilya naman ang umangat mula kahirapan.

 

 

“We defied the odds,” pahayag ni Santos, nang pinuri niya ang mga direktiba ng Malacanang na kontrahin ang rice hoarding, tanggalin ang pass-through fees, palakasin ang produksyon ng mga Pilipinong magsasaka at ibenta ang NFA rice nang mura sa merkado.

 

 

Sinabayan pa ito ng targeted na ayuda sa mga namamasada ng pampublikong sasakyan at pagbuhos ng production support tulad ng abono and binhi sa mga magsasaka.

 

 

Isinagawa ang survey noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Matatandaan na naharap ang bansa sa samu’t saring krisis tulad ng El Niño at nakaambang pagtaas ng presyo ng langis at bigas.

 

 

Ngunit sa kabila nito, tumaas nang 5.9% ang Gross Domestic Product ng Pilipinas at bumagsak sa 4.9% ang inflation.

 

 

Ayon kay Santos, bumalik din ang tiwala ng mga negosyante at foreign investors na nahikayat maglagak ng kapital sa ating bansa bunsod ng tamang polisiya at direksyon ng goberyno.

 

 

Aniya, inaasahan ding mas determinado na ang Malacanang mga polisiya nito tungo sa mas masaganang sektor ng agrikultura at tuloy-tuloy na pag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan. (Daris Jose)

Other News
  • NBI, mag-iimbestiga na rin sa PDEA-PNP ‘misencounter’ – DoJ

    GAGAWA  na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth, Quezon City kahapon.     Kasunod ito ng kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI na naganap na […]

  • Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

    Si Pinoy Para swimNAGPASALAMATmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.     Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang […]

  • KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan

    MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit.     May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. […]