• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI, mag-iimbestiga na rin sa PDEA-PNP ‘misencounter’ – DoJ

GAGAWA  na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth, Quezon City kahapon.

 

 

Kasunod ito ng kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI na naganap na engkwentro na  nagresulta ng pagkamatay ng tatlong indibidwal kasama ang dalawang pulis at isang PDEA agent.

 

 

Layon umano ng imbestigasyon na matukoy  ang tunay na nangyari, lalo’t nagdulot ng kalituhan at mga katunungan ang engkwentro.

 

 

Nilinaw naman ng Kalihim na ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay pa sa pagsisiyasat na gagawin ng ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry, na naunang inanunsyo ni PNP Chief Debold Sinas.

 

 

Sa  pahayag ng PDEA, lehitimo ang operasyon ng kanilang mga ahente at katunayan ay may dokumento  ng koordinasyon na nagpapatunay na magsasagawa ng operasyon sa Commonwealth .

 

 

Sa panig naman ng mga pulis, ang QCPD-District Special Operations Unit ay mayroong buybust operations sa lugar ngunit mga taga-PDEA raw pala ang kanilang naka-transaksyon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • West Philippine Sea nasa Google Maps na

    NASA Google Maps na ngayon ang kanlurang bahagi ng South China Sea na tinatawag na West Philippine Sea. Kinilala ng Google Maps ang West Philippine Sea sa kanilang mapa na nasa lokasyon ng Scarborough o Panatag Shoal, pangisdaan na bahagi ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Ang tawag na West Philippine Sea […]

  • Sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression: PBBM, nais na ipre-position na ng mga pribadong kontratista, na may kontrata sa national government ang kanilang assets

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipre-position na ng mga private contractor, na may kontrata sa national government ang kanilang assets sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression.   ”Maliwanag sa Pangulo ang kanyang instruction at inuulit niya ito sa mga government agencies na ang bago ngayon ‘yung mga private […]

  • Face mask sa Simbang Gabi, hinirit

    HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses. […]