• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng nagugutom sa Pinas, bumaba

DAHIL sa epektibong pagtugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kahirapan, nagkaroon ng bahagyang pagbaba ang hunger rate sa bansa sa ikatlong bahagi ng taong 2023.

 

 

Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw na ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nahaharap sa invo­luntary hunger, o yaong nakaramdam ng gutom at walang kahit anong makain ng kahit minsan lang sa isang buwan, ay bumaba ng 9.8% noong Setyembre 2023.

 

 

Ang September 2023 Hunger figure ay mas mababa sa 10.4% na naitala nong Hunyo 2023 at kapareho naman sa 9.8% noong Marso 2023.

 

 

Ayon sa SWS, noong Setyembre 2023, ang kagutuman ay bumaba sa Visayas at ‘Balance Luzon’ o mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila habang bahagya itong tumaas sa Metro Manila at Mindanao.

 

 

Pinakamataas ang kagutuman na naitala sa Metro Manila, 17.3%; sinundan ng Balance Luzon, 10.3%, at Visayas at Mindanao, 6.7%.

 

 

“The 9.8 percent Hunger rate in September 2023 was the sum of 8.4 percent who experienced Moderate Hunger and 1.3 percent who experienced Severe Hunger,” ayon pa sa SWS.

 

 

Ipinaliwanag ng po­l­lster na ang mga pamil­yang nasa kategoryang “moderate hunger” ay yaong mga nakaranas ng gutom ng ‘minsan’ o ‘ilang ulit’ sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Ang mga pamilya naman na nakaranas ng matinding gutom o ‘severe hunger’ ay yaong ‘madalas’ o ‘palaging gutom’ sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Samantala, lumitaw rin sa survey na ang overall hunger rate sa mga taong itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, ay nagkaroon ng pagbaba, o mula 10.8% noong Hunyo 2023 ay naging 7.7% noong Setyembre 2023. Nabawasan din ang kagutuman sa mga indibidwal na ikinukonsidera ang kanilang sarili bilang ‘food-poor,’ o mula 9.4% ay naging 7% na lamang sa kahalintulad na panahon.

 

 

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS mula Sept. 28 hanggang Oktubre 1, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at­ ­Mindanao.

Other News
  • Miami Heat abanse na 2-0 matapos muling talunin ang Sixers, 119-103

    ABANSE  na ng dalawang panalo ang Miami Heat matapos na ilampaso ang Philadelphia Sixers sa score na 119-103 sa Game 2 ng NBA semifinals sa Eastern Conference.     Nanguna sa opensa ng Miami sina Bam Adebayo na may 23 points, Jimmy Butler na nagdagdag ng 22 points at 12 assists at si Victor Oladipo […]

  • DINGDONG, personal na naranasan ang hirap ng isang delivery rider; MARIAN, muling ipinasilip ang ‘bikini body’

    PERSONAL na naranasan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang matinding hirap na pinagdaraanan ng isang delivery rider.     Noong Valentine’s Day, isa nga si Dingdong sa nag-deliver sa natanggap na orders sa kanilang delivery app business na DingDong na ni-launch last year at may masuwerteng nakatanggap din ng regalo mula sa Dunkin’ Donuts […]

  • Suspek sa pag-ambush sa Lanao del Sur governor ‘nanlaban,’ patay — PNP

    PATAY ang isang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. na siyang ikinamatay ng apat na katao, ito matapos daw niyang “makipagbarilan” sa composite police team.     Ayon sa mga ulat galing kina Police Brig. Gen. John Guyguyon, Regional Director ng Police Regional Office, Bangsamoro Autonomous Region, naglunsad […]