• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higanteng Christmas tree sa Navotas, pinailawan

IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree.

 

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display na sinaksihan naman ng mga residente ng lungsod.

 

 

Kasabay nito, pinangunahan din ni Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagbubukas sa Christmas bazaar na nagtatampok ng 34 Navoteno small, andmidsize enterprises.

 

 

Hinikayat naman ni Mayor Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

 

 

“Ngayong Christmas season, subukang bumili mula sa mga brands and small shops sa loob ng komunidad. Tulungan natin ang ating mga kapwa Navoteño na bigyan ng patas na pagkakataon ang micro at small entrepreneurs na magpatuloy at umunlad,” pahayag niya.

 

 

Dagdag ng alkalde, ang Christmas bazaar ay bukas araw-araw simula 5pm hanggang 12mn. (Richard Mesa)

Other News
  • Kaysa umasa sa imported: Mass-production ng face masks, itutulak

    DAPAT ikunsidera ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng bansa sa mabilis na paggawa ng o mass-production ng face masks kasunod na rin sa nagaganap na worldwide shortage ng anti-viral personal device.   “Our sense is, it might be practical for the government itself to be ready all the time to steadily produce large quantities […]

  • Bakunang Sinovac: hindi puwedeng ipagamit ang second dose ng mga nabigyan ng first dose para sa mga nag-aapurang mabakunahan – PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga taong nagmamadaling mabakunahan kontra Covid -19 na hindi maaaring galawin o ipagamit ang second dose na nakalaan sa mga taong nabigyan na ng first dose ng bakuna na Sinovac.   Ginamit ng Pangulo ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang interval ng first at […]

  • Foreign envoys, winelcome ang paglaya ni De Lima

    WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit na 7 na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga.     Sa  kanyang X ( dating Twitter) account,  sinabi ni EU Ambassador Luc Veron  na siya ay  “Very pleased by the […]