• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.

 

 

Batay sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation laban kay Ert matapos ang natanggap na report hinggil sa pagbebenta nito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 ng droga at nang tanggapin niya marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Mekini na sinasabing bumili din ng droga kay Ert sa P. Zamora St., Brgy., 19.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00; at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap kontra ilegal na droga at sa mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Football star Cristiano Ronaldo, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang football star na si Cristiano Ronaldo.   Ayon sa Portuguese Football Federation, walang anumang sintomas ito ng virus at ito ay naka-isolate na ngayon. Nakapaglaro pa ang 35- anyos na Juventus forward labans a France sa Nations League nitong Linggo at friendly game naman sa Spain noong nakaraang linggo.   Dahil […]

  • Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO

    Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines.   Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna […]

  • 12-anyos na dalagita 1 taon sex slave ng step father

    NAGWAKAS na ang isang taon kalbaryo ng 12-anyos na dalagita sa kamay ng step father niya nang maglakas loob na itong isumbong sa kanyang ina ang ginagawang panghahalay sa kanya ng amain makaraang muli siyang gapangin sa Navotas City.     Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD) na nagsimula […]