Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines.
Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna para sa kanilang sariling mamamayan.
“Vaccine nationalism only helps the virus,” wika nito.
Aabot na umano sa 172 bansa ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa COVID-19 Vaccine Global Access Facility o COVAX Facility kung saan layunin nito na makapagbigay sa lahat ng bansa ng equitable access sa bakuna.
Ang pag-iinvest aniya sa COVAX Facility ay ang pinakamabilis na paraan upang tuldukan ang pandemic at siguraduhin ang sustainable economic recovery.
Inilunsad ito ng WHO katuwang ang Gavi, ang Vaccine Alliance, isang international group na kumikilos para i-promote ang vaccination sa mga developing countries.
Nakasaad sa website ng Gavi ang mga bansa na nagpakita na ng interes sa nasabing pasilidad, kasama na rito ang Japan, United Kingdom at Canada subalit hindi parte rito ang Estados Unidos at China.
-
PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase
BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’ Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos […]
-
TOTAL CASHLESS FARES SA PUBLIC TRANSPORT HUWAG ISULONG – DAPAT MAY OPTION ANG MGA PASAHERO!
Dahil panahon ng pandemya ay marami ang nagsusulong ng cashless transaction para maiwasan ang skin contact at pigilan ang hawaan ng COVID-19. Ok yan! Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera. Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Samantala, yung one […]
-
Barriers para sa back-riding couples walang gamit, mapanganib pa
Isang administration lawmaker ang hindi sangayon sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng riders at back-rider ng motorcycle na kung saan sinabi niyang ito ay walang gamit at mapaganib pa na gamitin. “I just hope that the task force will just forgo its shield requirement. I don’t see any reason why a divider or […]