• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ogie, naluha sa pa-tribute ng asawa: REGINE, napangatawanan talaga ang pagiging rock star

FABULOUS, bonggang-bonggang naitawid ni Regine Velasquez ang pagiging rakista!

 

 

Unang beses pa lang naming narinig na may major concert ang Asia’s Songbird na ‘Regine Rocks’, aminado kami, nag-dalawang-isip kami.

 

 

Na, ‘Ha?’

 

 

Na, ‘Si Regine, at fifty-three, ay magra-rock and roll sa concert niya? Kaya ba niya?’

 

 

Well, walang duda, a-agree sa amin ang lahat ng taong pumuno, yes punumpuno, sa Mall of Asia Arena nitong Sabado ng gabi, November 25, na at 53, yes, Regine truly can rock!

 

 

Hindi kami fan ng mga rock songs, pero lahat ng kinanta ni Regine that night, naintindihan, nagustuhan at naka-relate kami.

 

 

Hindi namin kilala ang karamihan sa mga rock artists na kinober ni Regine ang mga awitin noong gabing iyon, pero okay lang, kasi ang napanood namin ay hindi sila, kundi si Regine, the rock artist.

 

 

Ang husay rin naman kasi ng lola niyo sa mga rock songs, pati sa mga outfit-an niya ni Michael Leyva, sa kanyang makeup at itim na nail polish, hanggang siyempre sa headbanging, yes nag-headbang ang Songbird, hanggang sa mga pakiwal-kiwal at pahampas-hampas ng katawan niya at paglulupasay sa sahig ng stage like a true blue rockstar!

 

 

Pero kahit rock concert, naka-segue si regine ng “You Made Me Stronger” na iniba ni Raul Mitra ang areglo at isa sa most applauded songs that night.

 

 

At naman, mayanig-yanig ang Arena noong tirahin na ni Regine ang “I Don’t Wanna Miss A Thing”, nagdusa na ng todo ang eardrums namin sa tilian at palakpakan ng Reginians na lumusob sa venue kesehodang trapik (kailan ba hindi) at maulan ang gabi.

 

 

Of course hindi mawawala ang kaswal na hirit ni Regine na tuwi-tuwina ay kuwela sa mga tao, tulad ng eksenang hindi siya makatayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig ng stage dahil aniya’y ‘Rayuma is real!”, hanggang sa birong-totoo niya ng pagrereklamo kay Raul na pagpapakanta sa kanya ng rock songs na hataw kaya tiyak daw niya na kinabukasan ay masakit ang katawan niya at puro siya pasa dahil nga sa galawang rockstar kinarir niya sa gabing iyon.

 

 

Nga pala, napakabongga naman na bawat silya sa Arena, yes kahit ang pinakamurang tickets sa pinakatuktok ng Arena ay may libreng light sticks na may nakasulat na “Regine Rocks”.

 

 

Surreal ang pag-iiba-iba ng ilaw mula sa green, blue, white at red ng mga light sticks na kinu-kontrol ng in-charge sa sounds and lights.

 

 

Ang ganda tuloy ng buong Arena kapag sabay-sabay na ang paandar ng changing of lights… pasabog!

 

 

Kasi nga, Regine Rocks!

 

 

May portion kung saan may tila pa-tribute si Regine sa mister niyang si Ogie Alcasid na ayon sa kanya ay “We’ve been together for twenty years,” at noong ipokus si Ogie sa audience ay natiyempuhan ito ng kamera na nagpupunas ng luha.

 

 

Guest ng Songbird sina Yeng Constantino, Klarisse de Guzman, Morisette Amon at Jona na sa ganang amin ay pinakamahusay sa apat na guests.

 

 

Pero kahit na anong taas ng birit ng mga ate niyo, wala pa ring duda, si Regine pa rin ang reyna.

 

 

Kasi nga, Regine Rocks!

 

 

At siyempre, kudos sa stage directors ni Regine na sina Paolo Valenciano at ang kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez Mitra, at kay De Roque na hindi kami binibigo tuwing may request kami sa kanya.

 

 

Kasi nga, Regine Rocks!

 

 

Kung magkaka-repeat at may pagkakataon kaming panoorin muli ang show, oo naman, manonod kami ulit.
Kasi nga… Regine Rocks!
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Thompson inspirasyon Si Norwood

    Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.   At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.   Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma […]

  • Proseso ng end-of-service benefits inilipat sa DMW

    INILIPAT na sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpo-proseso sa end-of-service benefits (ESB) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.           Sa isang advisory, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing gawain ay pormal na inilipat sa DMW noong Pebrero 4, 2024.     “Effective 04 […]

  • Kumalat na tatakbong congressman o councilor: ARNOLD, nagpasaring sa mga kandidatong walang plano pero gustong manalo

    MONTHS before the filing ng COC para sa mga lakahok sa midterm elections ay isa sa lumutang na pangalang tatakbo raw sa District One ng Tondo ay ang kapusong newscaster na si Arnold Clavio.   Lehitimong taga-Tondo si Arnold, kung si Isko ‘Yorme’ Moreno ay ipinagmamalaki ng mga taga-Tondo High School alumni ay very proud […]